Marvelous Alejo, magbibida na rin

Marvelous Alejo, magbibida na rin

Ranz-Kyle-Marvelous-AlejoEXCITED ANG TV5 star na si Marvelous Alejo dahil sa tagal ng kanyang paghihintay ay nabigyan din siya sa wakas ng solo project ng kapatid Network at ito ay sa Wattpad na mapapanood sa February 23, 9 p.m. sa episode na ‘Ex Ko Ang Idol N’yo’.
Kaya labis-labis daw ang kanyang kaligayahan na sa wakas ay nagbunga na rin ang kanyang paghihintay.
Ani Marvelous, “Actually, sobrang nakakatuwa po na meron akong ganitong super laki [na project]. And thank you sa TV5, ngayon kasi binigyan nila ako ng isang lead role. Dati kasi kontrabida, ‘tapos supporting role. Super first talaga ito. Hindi ko naman first na mag-Wattpad, pero first ko na magbida.”
Makakasama ni Marvelous dito si Ranz Kyle, ang lider ng YouTube sensation boy group na Chicser, Kate Lapuz at si Shalala.

UpgradeUpgrade , newest Viva recording artists

ANG INTERNET Sensation Group na UPGRADE ang newest addition sa lumalaking pamilya ng Viva Records, kung saan pumirma ang mga ito kamakailan ng 5-year contract.
Kaya naman this month ay sisimulan na ng mga itong i-record ang kanilang first single at susundan ng album. Ang Upgrade ay binubuo nina Kcee Martinez, Rhem Enjavi , Ron Ivan Lat, Raymond Tay, Mark Baracael, Miggy San Pablo, at Armond Bernas.
Ang Upgrade ay image model ng UniSilver Time, Royqueen Gadgets, Cardams Shoes, MyPhone, Headway Vera Salon, at regular na napapanood sa Walang Tulugan With The Master Showman.

John’s Point
by John Fontanilla