Marvelous Alejo, gustong magkaroon ng sariling album

ADVERTISING

Marvelous Alejo, gustong magkaroon ng sariling album

Marvelous-Alejo

ADVERTISING

BUKOD SA pag-arte, gusto ring magkaroon ng sariling album at hit song ni Marvelous Alejo, ang lead actress sa TV5’s Wattpad Presents: Said I Loved You, katambal ang hunk na si Edward Mendez, na nagsimulang mapanood last June 29, 9 pm sa Kapatid Network.
Ani Marvelous, “Singing talaga ‘yung talent ko, secondary ‘yung acting. Love na love ko talagang kumanta. ‘Yun nga lang, sa pag-aartista at sa pag-arte ako nabigyan ng break. Pero alam ko na darating ‘yung time na may magbibigay rin sa akin ng pagkakataong magkaroon ako ng album at sariling kanta.”
Bata pa raw si Marvelous ay hilig na nitong kumanta, kaya lang daw ay sa pag-arte siya nabigyan ng pagkakataon. Pero umaasa pa rin daw ito na darating ang panahong matutupad din ang kanyang pangarap na maging singer at magkakaroon ng sariling kanta.

Joel-Cruz-and-TwinsNegosyo ng Lord of Scents na si Joel Cruz, going global na

GOING GLOBAL na talaga ang negosyong pabango (Aficionado Germany Perfume) ng tinaguriang Lord of Scents na si Joel Cruz.
Isang magandang balita raw ang nakarating kay Sir Joel na may mga businessman mula sa iba’t ibang bansa ang gustong mag-franchise ng Aficionado Germany Perfume at dalhin ito sa kani-kanilang bansa.
Kaya naman daw pagpasok ng Aficionado Germany Perfume sa international market, mas maraming tao pa ang mabibigyan ng trabaho at matutulungan ni Sir Joel.

ADVERTISING

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING