Martin V., nagpa-release sa Viva para maging Star Records artist

ADVERTISING

Martin V., nagpa-release sa Viva  para maging Star Records artist

Martin V., nagpa-release sa Viva  para maging Star Records artist
MARTIN V.

DATING contract star ng Viva ang 16-year-old singer na si Martin V. Nagpa-release na siya sa kompanya para i-pursue ang dream niya na maging recording star.

Ayon kay Martin, habang nasa Viva ay nakagawa naman siya ng ilang movie projects, pero hindi nga lang ganu’n kalakihan. Pero magkaganun man ay thankful pa rin siya sa Viva.

Now, kahit na nasa tinatawag na ‘awkward age’ sa showbiz ay determined si Martin na maging isang sikat na singer. Nakapag-record na siya ng kanyang digital song na My One And Lodi composed of Joven Tan (grand prize winner ng Himig Handog P-Pop Love Song for the song Ano’ng Nangyari sa Ating Dalawa) na ire-release ng Star Music.

On Feb. 2 ay ilu-launch na ang My One And Lodi sa MOR 101.9 FM ng ABS-CBN.

ADVERTISING

Very millennials din ang lyrics na ginamit ni Joven para sa first single ni Martin V. dahil Pasok sa kanta ang “lodi” at “werpa.” Sobrang nakakaaliw din music video  ng kanta lalo na sa last part nito kung saan may special participation si Kiray.

Samantala, ipinagmamalaki ni Martin V. na ang older brother niya ang kanyang idolo pagdating sa pagkanta. Pero bukod sa kuya, malaking influence din daw sa kanya ang mga RnB singers like Jay-R, Kris Lawrence at James Reid.

 

 

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING