Martin Nieverra at Gary Valenciano, nalagpasan na ang kumpetisyon

Martin Nieverra at Gary Valenciano, nalagpasan na ang kumpetisyon

Martin-Nieverra-Gary-ValencianoNALOKA AKO kay Martin Nievera sa presscon nila ng concert nilang Ultimate, dahil talagang nakakatawa siya sa mga interviews nito at mga komento niya sa mga kasamahan niyang sina Regine Velasquez, Gary Valenciano at Lani Misalucha.

Imagine, nagtagal ng mahigit dalawang oras ang presscon na ginanap sa Luxent Hotel nu’ng kamakalawa lang at hindi ako nakaalis, ha! Naaliw ako sa tsikaha nila.

Wala roon si Lani, kaya ‘yung tatlong bida ng naturang concert ang humarap at na-enjoy namin nang husto ang mga sagot nila.

Hindi rin napigilan ni Martin na maiyak nang magsalita siya sa relasyon nila ni Gary na itinuturing niyang kapatid.

Iba na raw talaga ang closeness nila at hindi raw nila naiisip ang kumpetisyon dahil nalagpasan na nila ‘yun.

Pero dito sa nalalapit nilang concert na gaganapin sa SM MOA Arena sa February 13 at 14, talagang magpapatalbugan sila at ibang klaseng repertoire raw ang mapapanood natin.

Doon pala sa presscon ay tuwang-tuwa si Regine na kinuwento sa amin ang huling bakasyon nila sa Australia.

Doon sila nag-Pasko at nakakatuwa raw ang sobrang closeness ng magkakapatid na sina Sarah, Leila at Nate.

Talagang mahal na mahal daw nila si Nate dahil nakapagko-converse na raw ito sa kanyang mga kapatid.

Ang nakakatawa lang daw, nagnu-nose bleed daw si Nate sa mga ate niya sa kai-English. Minsan daw, natitigilan siya sa English, tinatapos niya sa Tagalog. Tawang-tawa si Regine kapag kinukuwento n’ya ‘yan sa amin.

Sa susunod na Pasko raw ay rito naman daw sina Sarah at Leila kasama siyempre si Michelle Van Eimeren at ang asawa niyang si Mark Murrow.

‘Yun na!

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis