Martin del Rosario, sakit lang daw sa ulo ang girlfriend

ADVERTISING

Martin del Rosario, sakit lang daw sa ulo ang girlfriend

Martin-del-RosarioANG BILIS ng panahon. Tapos na pala agad ang isang taong kontratang pinirmahan ng dating Kapamilya actor na si Martin del Rosario sa GMA-7. Nag-expire na ito at ayon sa binata, inaayos na raw ngayon ang para sa panibago niyang kontrata.

Positive naman si Martin na mas magiging maganda ang projects na ibibigay sa kanya lalo pa nga’t kapapanalo lang niya ng Best Supporting Actor award mula sa Gawad Urian para sa pelikulang Dagitab.

“Sana mas umokey. Pero masaya naman po ako sa ginagawa ko ngayon sa GMA. Mas okey na ‘yung hindi ganu’n karami pero okey naman lahat,” sey pa niya.

Nagmarka ang pagganap ni Martin sa episode ng Karelasyon with Mark Herras at sa guesting niya sa Magpakailanman. Ngayon ay nagti-taping naman siya para sa seryeng Buena Familia kasama si Kylie Padilla.

ADVERTISING

First time ng actor na makakatambal si Kylie at hindi raw naman siya nailang dito. Single si Martin at ayaw muna niyang mag-girlfriend dahil sakit daw ito sa ulo. Gusto muna niyang mag-focus sa career.

Tingnan natin kung ganito pa rin ang kanyang reaksyon kapag nakilala na niya nang husto si Kylie na ngayon ay very much single and ready to mingle.

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING