Martin del Rosario, pumiyok sa gay issue

ADVERTISING

Martin del Rosario, pumiyok sa gay issue

Martin-del-RosarioNASA GMA 7 na si Martin del Rosario na isa pa naman ‘yan sa mga paborito ko sa ABS-CBN 2. Nataypan ko ‘yan sa Minsan Lang Kita Iibigin dahil magaling naman talaga siyang umarte.

In fairness, nadagdagan ng mga magagaling na aktor ang GMA 7 dahil sa paglipat ni Martin. Kaya lang sinundan naman ito ng mga intrigang hindi mamatay-matay na isyung kabadingan.

Hindi na nagulat si Martin sa ganu’ng intriga dahil aware naman siya sa mga tsismis tungkol sa kanya.

Pero itong huli na may lumabas na litrato ng dalawang lalaking naghahalikan, pumiyok na si Martin dahil hindi raw talaga siya ‘yun.

ADVERTISING

Naglabas naman ang manager ni Martin na si Arnold Vegafria ng mga pruweba na hindi ang aktor ang nasa litrato kundi kamukha lang niya nu’ng naka-side view.

Kaya sinagot na ito ni Martin at nagpa-interview na siya sa Startalk. Ayaw na raw sana niyang patulan pa ito, kaya lang nakikita raw niyang apektado na ang pamilya niya, kaya nagsalita na ito.

Sabi ng young actor, “Ako kasi ‘yung type ng tao na ever since na nakaaano ng mga tsismis, intriga, talang ganu’n-ganu’n lang. Basta ako alam ko kung ano ang totoo, at kilala ko naman ang sarili ko, kaya okay lang ako.

“Pero once na nakikita ko na ‘yung family na affected na, na parang si Mama na imbes na magtrabho napi-pressure na siya sa mga comments ng mga tao, na si Martin ganito ganyan, siyempre pressure as a mom na parang ginulo ko ang buhay nila.”

Sabi pa ni Martin, wala naman daw siyang magagawa kung iyun ang iisipin ng mga tao, choice na raw nila ‘yun. Pero sana, bigyan naman daw siya ng konting respeto man lang.

Emote ni Martin, “Bago nila ako i-judge sana man lang meron man lang silang… meron lang silang proof na ba’t mo nasabi ‘yan.

“Parang gusto kong malaman saan nanggaling. Hindi ‘yung paniwalaan agad dahil merong taong nagsulat ng ganyan, pinaniwalaan agad.

“Buti na lang malakas ang loob ko. Imagine, kung mahina lang ako, parang nakaka-degrade ‘yung ganu’n, eh.”

Hindi na bago ang ganu’ng intriga. Kaya sabi nga ni Martin, sigurado naman daw siya sa sarili niya kaya wala na raw siyang kailangang patunayan pa. Dahil tiyak daw niyang lalaking-lalaki siya, ‘no!

Hindi kaya ang mga taga-kabila rin ang nagkalat n’yan kasi nilayasan na nga sila ni Martin, ‘di ba?

Hay, naku! Siguro pansinin muna nila ang nasa bakuran nila, bago nila pakialaman ang ibang tao, ‘di ba?

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING