Martin del Rosario: ‘Napapraning ako kapag may showbiz na love life’

Leo Bukas

WALA pa ring girlfriend hanggang ngayon ang dating Kapuso actor na si Martin del Rosario. Ito ang naging pag-amin niya sa online show na Tonight With Allan Diones (2WAD) sa Youtube ng kaibigan naming showbiz writer na si Allan Diones nitong huling linggo ng Setyembre.

Ayon kay Martin, non-showbiz daw ang huli niyang naging girlfriend and two years ago na raw iyon.

“Wala. Tagal nang walang love life. “Parang more than… Magtu-two years na,” pagtatapat ng aktor.

Martin del Rosario

Nagbigay din ng dahilan si Martin kung bakit ayaw niyang magkaroon ng girlfriend na taga-showbiz kahit pa preferred ng ibang aktor ang mga ganitong babae dahil mas naiintindihan daw ang kanilang line of work.

“Wala po akong naging girlfriend na showbiz po. Napapraning ako kapag may showbiz na love life. Parang pakiramdam ko naka-magnifying glass… ganun,” rason niya.

Kasamang nag-guest ni Martin sa 2WAD sina Paolo Ballesteros at Christian Bables na kasama rin niya sa pelikulang  The Panti Sisters na ipinalabas sa Pista ng Pelikulang Pilipino last year.

Habang quarantine, hindi naman daw nag-gain ng timbang si Martin na tulad ng iba na tumaba dahil sa kakakain.

Mas nagkaroon pa nga raw siya ng time na pagandahin pa lalo ang kanyang katawan.

Aniya, “Ano lang po, disiplina lang. Tsaka yung pagkain. Itong quarantine nagtaka nga ako dahil naging mas disiplinado ako. Yung utak ko mas naka-focus.

View this post on Instagram

When you see it.. #Wednesday #HappyHumpDay

A post shared by Martin Del Rosario (@martinmiguelmdelrosario) on Mar 24, 2020 at 8:36pm PDT

“Tsaka wala akong ginagawa kundi mag-workout nang mag-workout. Siyempre, hindi pa rin nagsa-start ng taping naman kaya ayun lang po — workout lang nang workout everyday.”

Hindi rin madalas lumabas ng bahay si Martin kahit wala pang pandemic. Ito rin daw ang dahilan kung bakit wala siyang masyadong kaibigan sa showbiz.

“Marami naman akong friends. Usually, yung mga nakakasama ko sa taping, sila yung nagiging friends ko. Pero kapag natapos na yung taping parang …

“Kasi kung tanungin n’yo sina Pao at Christian, di ba tahimik lang ako? Hindi naman ako masyado nagsasalita talaga.

Hindi naman sa hindi ako friendly, pero hindi rin po ako sumasama-sama sa mga grupo-grupo. Pero marami akong friends sa showbiz hindi lang siguro yung barkada,” paliwanag ni Martin.

Previous articleKatrina Halili at Jason Abalos, bida sa comeback episode ng ‘Tadhana’
Next articleDaang Dokyu: Documentaries to Watch on Ecology Week – Part 2 of 2 (October 2-8, 2020)

No posts to display