Martin del Rosario, nakatulong daw ang ‘nude scandal’

ADVERTISING

Martin del Rosario, nakatulong daw ang ‘nude scandal’

Martin-del-RosarioMAY MAGANDANG epekto rin pala kay Martin del Rosario ang pagkalat ng kanyang alleged nude scandal sa Internet kamakailan na kanya nang itinanggi. Ayon sa Gawad Urian Best Supporting Actor for the movie Dagitab, mas dumami pa raw ang kanyang followers dahil sa nangyari.

“Actually, mas dumami pa nga ‘yung followers ko sa Twitter, nakatulong pa nga, eh. Hahaha! Dumami rin ‘yung followers ko sa Facebook, sa Instagram. Dapat pala may scandal para i-follow ka pa,” natatawa niyang reaksyon.

Ayon pa kay Martin, sa lahat ng mga isyung naglalabasan tungkol sa kanya, hindi naman nahe-hurt at naaapektuhan ang family niya. “Kaya ako, hinahayaan ko na lang din. Yung iba nga, tina-tag pa sa Facebook ang family ko, pero wala lang. ‘Di rin kasi sila naniniwala, eh,” paliwanag pa niya.

Samantala, ibinalita rin ni Martin na meron siyang gagawing pelikula kasama si Nora Aunor para sa New Wave category ng Metro Manila Film Festival na ipalalabas sa December. Ang title nito ay La Ma Madre at ididirek ni Adolf Alix. Unang nakasama noon ni Martin sa pelikula si Vilma Santos para sa The Healing ng Star Cinema, tapos si Nora naman ngayon. Bongga talaga si Martin, huh!

ADVERTISING

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING