Martin del Rosario, nagpa-release na sa Dos

Martin del Rosario, nagpa-release na sa Dos

Martin-del-RosarioMAGANDA AT maayos naman ang ini-request na meeting ni Martin del Rosario sa mga big boss ng ABS-CBN, seeking a release of his contract sa Kapamilya Network.

Sa meeting ay naibigay nang may blessing ng network ang hinihinging release contract ni Martin. Present sa meeting sina Ms Cory Vidanes, Lauren Dyogi, Star Magic’s Mariole Alberto at ang mother ni Martin. Wala ang manager ng actor na si Arnold Vegafria dahil out of the country raw ito.

Ayon sa nakarating sa amin, lilipat ng GMA 7 si Martin at this week daw magaganap ang contract signing ng actor.

Malaking asset daw si Martin sa GMA 7, dahil ayon na rin mismo sa taga-ABS ay naging professional na actor raw ito habang nasa pangangalaga ng Kapamilya Network. Sa talent daw ngayon ni Martin, lalo na sa drama, mau-utilize ng Kapuso Network ang husay niya sa mga bagong teleserye ng network.

Maganda sa pag-alis ni Martin sa ABS CBN, bukod sa may blessing ay binigyan pa ng assurance ito na anytime na gustuhing bumalik sa Dos ay welcome pa rin ito.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo