Martin del Rosario, mas type ang mas may edad na girlfriend

ADVERTISING

Martin del Rosario, mas type ang mas may edad na girlfriend

Martin del Rosario, mas type ang mas may edad na girlfriendMay love scene si Martin del Rosario with Ara Mina sa Nuclear Family at handa naman daw siya sa eksena.

“May mga lalaki siyang ibinabahay pero ako yung parang magiging lover niya don. May mga naka-brief din ata akong eksena don,” sey pa niya.

Sa tanong namin kung okey lang ba sa kanya na mas matanda sa kanya tulad ni Ara Mina ang ka-love scene, natawa siyang nagbigay ng reaksyon.

“Si Eula Valdez naka-kissing scene ko na sa movie (Dagitab). Lagi akong sa May-December napupunta. Una, ‘yung kay Denise, ‘di ba, teacher-student affair yon. Then si Rita Avila sa Magpakailanman. Jackilou Blanco sa Karelasyon. Tapos Eula Valdez nga. Tapos ito nga, si Ara Mina.

ADVERTISING

“So ano talaga, marami akong experience sa May-December affair na role,” sey pa niya.

Hindi naman alam ng aktor kung bakit sa mga ganu’ng klase ng role siya napupunta.

“Oo nga, eh. Hindi ko rin alam. Napapaisip din nga ako minsan,” reaksyon ni Martin del Rosario.

Attracted ba siya sa babaeng mas matatanda sa kanya?

“Dati nagkaroon ako  ng girlfriend na mas matanda sa akin. Seventeen ako non and she’s 23, pero hindi naman ganu’n kalayo (ang edad).

“‘Pag mas matanda ang girlfriend mo, puwede kang maging makulit lang. Mas maalaga sila. Pero ayoko naman ‘yung bini-baby. Kumbaga, mas may reason lang para magkamali. Hindi, joke lang,” sabay tawa niya nang malakas.

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING