Martin del Rosario & Kylie Padilla: Keep the Faith in Love!

ADVERTISING

Kylie-Padilla-Martin-del-RosarioMARTIN DEL ROSARIO
Real Name: Martin Miguel Mangay Del Rosario
Birthdate: November 25, 1991
Zodiac Sign: Sagittarius
Symbol: The Archer
Ruling Planet: Jupiter
Quality: Mutable
Basic Trait: I Perceive

KYLIE PADILLA
Real Name: Kylie Nicole Sicangco Padilla
Birthdate: January 25, 1993
Zodiac Sign: Aquarius
Symbol: The Water Bearer
Ruling Planet: Uranus
Quality: Fixed
Basic Trait: I Know

ADVERTISING

FRESH NA fresh ang tambalang Martin del Rosario at Kylie Padilla ng Buena Familia, na namamayagpag ngayon sa GMA Afternoon Prime. Masasabi namin na good move sa Siyete ang pagtambalin silang dalawa dahil maliban sa kagwapuhan at kagandahan ng kanilang mga mukha, pareho pa silang single!

Hindi makalilimutan ng publiko ang controversial break-up nina Aljur at Kylie. Nakahanap ang dalaga ng pag-ibig sa isang non-showbiz cutie, pero naghiwalay rin sila. Si Martin naman ay never umamin sa kanyang private romantic relationships. If ever kaya, bonggacious kaya ang kalalabasan ng pagsasamang ito sa true life?

Natural na natural ang chemistry sa pagitan ng Sagittarius at Aquarius kaya hindi malabong magkatuluyan sila. Pareho silang outgoing, mahal ng madla at mahilig sa adventures! Gusto nila na lagi silang updated sa mga kaganapan sa mundong ginagalawan nila at patuloy nilang ginagalingan sa kani-kaniyang raket. May konti lang silang pagkakaiba, pero hindi ito magiging hudyat ng isang sequel sa World War II!

ADVERTISING

Sa totoo lang, long lasting relationship ang madalas na outcome ng ganitong pagsasama. Maliban sa pareho silang matalino at madiskarte, ang freedom ang pangunahing prioridad nila sa buhay. Hindi sila masyadong clingy at supportive sila sa gusto ng partner lalo na pagdating sa karir. Mahal nila ang isa’t isa, pero hindi nila kailangang iparamdam ‘yun oras-oras. Gusto ni lalaki ang bubbly personality ni girl, kaya ang tambalang ito ay hinding-hindi mauubusan ng sorpresa.

‘Yun naman pala, eh! No wonder umuusbong ang chemistry ng dalawang teleserye stars na ito. MarLie or KyTin? Push pa more, baby!

Pares-Pares

By Madam DaminMartin del Rosario & Kylie Padilla: Keep the Faith in Love!

ADVERTISING