Martin del Rosario, kumakalat ang ‘kabaklaan’

ADVERTISING

Martin del Rosario, kumakalat ang ‘kabaklaan’

Martin-del-RosarioNAKAKALOKA, HA! Kalilipat lang ni Martin del Rosario sa GMA 7, naglitawan na ang mga paninira sa kanya.

Matagal na siyang natsitsismis na bading, pero walang mga naglabasang litrato, at pinapatay agad ang intrigang ‘yan.

Pero ngayon, may litrato pang lumabas sa isang blog na Fashion Pulis ba y’an, na may litrato siyang may kahalikan na isang lalaki.

Paduda ang title kung si Martin ba talaga ‘yun o look-alike lang. Pero obvious namang look-alike lang, pero inilabas pa rin.

ADVERTISING

Kasi sabi nga ng kampo ni Martin, nakuha raw ang litratong ‘yun sa Facebook account ng isang pa-mhin na RJ Chantal ang name.

Na-check nga ng researcher namin sa Startalk na may mga komento na du’n sa FB account nitong RJ na naging viral na raw ang litratong ‘yun.

Nag-comment pa itong RJ na dedma na raw siya. May mga kuha nga siyang kahawig ni Martin, pero hindi nga naman siya ‘yung lumabas sa blog.

Obvious na gusto lang siyang siraan kasi isa na siyang Kapuso. Anyway, sasagutin naman ni Martin ‘yan sa Startalk. Abangan n’yo na lang sa Linggo.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING