Martin del Rosario, ‘di nabibigyan ng magandang break sa Siyete

ADVERTISING

Martin del Rosario, ‘di nabibigyan ng magandang break sa Siyete

Martin-del-RosarioMARAMING PUMUNA nang lumipat sa Kapuso Network ang versatile actor na si Martin del Rosario, lalo sa social networking sites gaya ng Twitter at Instagram. Ipinahayag naman ng binata na gusto lamang niya ng career change.

“Siguro mayroon lang akong gustong mangyari sa career ko na maganda kaya ako lumipat. May hinahanap ako na medyo kulang sa ginagawa ko sa kabila noon,” katwiran ng binata.

Dagdag pa ng Artist Center talent, hindi siya nagpapaapekto sa bashers niya online lalo na ‘yung mga nagsasabing hindi siya binibigyan ng magandang break. Ang totoo, bago pa lamang siya pumirma ng kontrata sa Kapuso Network ay nailatag na ang mga programang nakahanda sa kanya.

“Alam ko naman na mangyayari ‘yun. So, kapag alam ko naman na hindi totoo, hindi ako naba-bother,” sey pa niya.

ADVERTISING

Bukod sa pagkakasama ni Martin del Rosario sa primetime series na Pari ‘Koy, dapat din siyang abangan sa upcoming show na niluluto ng GMA para sa kanya.

Kontrobersyal din ang portrayal ni Martin sa Karelasyon, kung saan nakarelasyon niya si Mark Herras.

 

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING