Martin del Rosario at Liezel Lopez, napili bilang Prince Zardoz at Zandra ng Voltes V: Legacy

OPISYAL nang ipinakilala ang limang masuwerteng artista na gaganap sa Philippine live action adaptation ng iconic Voltes V: Legacy. Ito ay sina Miguel Tanfelix (Steve Armstrong), Ysabel Ortega (Jamie Robinson), Matt Lozano (Big Bert), Radson Flores (Mark) at Raphael Landicho (Little Jon).

Kung may mga bida, s’yempre may mga kontrabida!

Katulad ng paghahanap sa bubuo ng Team Voltes V, dapat ay competent din at talagang may angas factor ang mga gaganap na kontrabida. Sa Kuwento ng Voltes V, ang mga Boazanians ang mga villains na balak maghasik ng lagim at wasakin ang planetang Earth. Sina Prince Zardos at ang partner nito na si Zandra ang main villains ng programa.

Sino nga ba ang mga Kapusong napili na gaganap sa iconic villain roles na ito?

Martin del Rosario at Liezel Lopez, napili bilang Prince Zardoz at Zandra ng Voltes V: Legacy
Martin del Rosario as Prince Zardoz

Si Martin del Rosario ang napili na gumanap bilang Prince Zardoz. Alam na natin ang kapasidad ng binata bilang isang aktor sa dami na rin ng awards na nakuha niya for films and TV. Huli itong napanood sa telebisyon bilang tusong kapatid ni Alden Richards sa ‘The Gift’. Bagay na bagay kay Martin ang role. Maliban sa guwapo at makisig, kaya rin nitong ipalabas ang kanyang domineering side. May drama factor din ang backstory ni Prince Zardoz kaya dapat ay matalinong aktor ang gaganap sa papel na ito.

Martin del Rosario at Liezel Lopez, napili bilang Prince Zardoz at Zandra ng Voltes V: Legacy
Liezel Lopez as Zandra

On the other hand, ang Starstruck alumna na si Leizel Lopez ang napili bilang Zandra, ang babaeng nagmamahal kay Prince Zardos. Ilang beses na rin lumabas si Leizel bilang sexy kontrabida sa mga programa ng GMA-7. Ang huling naaalala namin ay ang pagiging maldita nito sa ‘Kambal Karibal’. Marami ang nagsasabi na si Liezel ang susunod sa yapak ni Katrina Halili bilang isang Primera Kontrabida.

Ang pagiging Zandra ang biggest kontrabida role niya to date at excited kami na mapanood ang chemistry nila ni Martin at kung paano sila maghahasik ng lagim sa Planetang Earth! Hek-hek-hek!

Congratulations, Martin and Leizel!