Mart Escudero at Jennica Garcia, madalas magkulong sa van? – Alex Brosas

ADVERTISING

Mart Escudero at Jennica Garcia, madalas magkulong sa van? - Alex Brosas

Mart Escudero at Jennica Garcia, madalas magkulong sa van? - Alex BrosasNagkabalikan na pala talaga sina Mart Escudero at Jennica Garcia.

ADVERTISING

This time, they’re proving that love is sweeter the second time around. Palagi kasing magkadikit ang dalawa at talaga namang inseperable ang kanilang drama. Kung nasaan ang isa, nakatitiyak kayong naroon din ang isa. In short, para silang kambal, kambal sa uma. Joke lang.

Anyway, very happy ang dalawa dahil magkasama sila sa isang horror movie na pang-film festival. Siyempre, sila pa rin ang magka-loveteam sa pelikulang kanilang ginagawa ngayon.

Ang obserbasyon ng marami, masyadong malambing sa isa’t isa sina Jennica at Mart. Kahit sa harap ng ibang taong nasa set, wala raw silang pakialam sa pagpapakita ng kanilang sweetness. Cute namang tingnan ang dalawa dahil bagets pa nga naman at obvious na mahal na mahal nila ang isa’t isa.

ADVERTISING

Kapag nga raw lunch or dinner break , sabay na kumakain ang dalawa.

Ang isa pang obserbasyon ng marami na kasama nila sa set ng movie, tila pareho ng bisyo ang dalawa – mahilig silang sabay na magpahinga.

Ang tsika sa amin, sa van daw ni Jennica nagpapalipas ng oras si Mart. Magkasama raw ang dalawa na nagkukulong sa van kapag wala silang take at gigisingin na lamang daw sila kapag kukunan na sila sa eksena nila.

Totoo bang madalas magkulong sa van sina Jennica at Mart? Pakisagot nga!

HINDI NAMAN KAILANGAN pero talagang nag-sorry si Alex Gonzaga sa fans nina Kim Chiu at Gerald Anderson.

Naloka kami kasi ang feeling namin, wala namang nasabing masama ang dalaga sa tambalan nina Kim at Gerald para mag-apology.

“Sorry kung na-offend kayo sa sinabi ko. Sana , next time, manood pa rin kayo ng Juicy. Next time, makikita n’yo, ipagtatanggol ko si Kim. Hindi lang siguro nakikita, pero tina-try ko namang maging fair sa lahat ng napag-uusapan namin,” sabi ni Alex sa launching niya at ng Ate niyang si Toni Gonzaga bilang endorsers of Shapes, a clothing line for women.

In-explain ni Alex kung saan nagsimula ang issue sa kanila ni Kim.

“Hindi ako nag-comment kay Kim. Sa Juicy, parang napag-usapan ang Gerald Anderson and Sarah Geronimo tandem. Si Kuya Pete Ampoloquio, nag-comment siya. Ako, pinagtanggol ko si Kim. Pero, na-edit at ang lumabas na lang sa sinabi ko, si Gerald siguro, dahil nakapartner na rin niya si Kim, it’s time naman siguro na makita ‘yong versatility niya na makapartner ‘yung iba. ‘Yun lang ang sinabi ko at nag-react na sila nang sobra,” esplika ni Alex.

“Basta nakita ko lang ‘yon sa internet. Siyempre, mas masakit ‘yon. Ganoon din pala sila sa lahat. Ini-expect nila, since nakasama ko si Kim, maging kampi rin ako kay Kim. Wala po akong sinasabing against Kim. Kahit naman sabihin kong payat si Kim, eh, pareho naman kaming payat,” dagdag ng dalaga.

Nakakaloka itong fans nina Kim at Gerald. Para silang walang pinag-aralan. Noong una, tinarayan nila si Niña Jose nang sabihin nitong nagkaroon sila ng mutual understanding ni Gerald. Kung anu-ano ang tinawag nila kay Nina. Nitong huli, kinawawa rin nila si Sarah Geronimo at kung anu-ano ring ang itinawag nila rito gayung kahit saan man daanin ay wala talagang sinabi si Kim kay Sarah. Si Kim, hanggang acting lang at sayaw samantalang si Sarah, complete performer.

Ngayon naman, si Alex ang kanilang binibira.

Dapat siguro, bumalik muna sa pag-aaral ang fans nina Kim at Gerald at matututo silang rumespeto ng tao.

Are they learned? Parang hindi!

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING