Marriage proposal ni Dave Almarinez answered prayer ayon kay Ara Mina

ADVERTISING
Leo Bukas

AYON kay Ara Mina, matagal na rin niyang pinangarap ang lumakad sa altar at maikasal. Kahit sino raw babae ay ito ang ipinagdarasal.

“Siyempre, ayoko rin namang tumandang mag-isa. Gusto ko rin na meron akong makakasama sa pagtanda,” sabi sa amin ni Ara na katatapos lang ma-engage sa boyfriend na si Dave Almarinez noong January 12, 2021.

ADVERTISING

Ayon sa Ang Probinsyano star, ang nangyaring engagement nila ni Dave ay isang answered prayer.

Marriage proposal ni Dave Almarinez answered prayer ayon kay Ara Mina
Ara Mina and Dave Almarinez

“Today I have received the most perfect gift from God. A prayer I have always been sincerely trusting Him to bring into my life. Dave, thank you for being my answered prayer,” lahad niya.

Hindi rin daw siya sinukuan ng kasintahan kay ipinagpapasalamat niya ito nang husto.

ADVERTISING

Aniya, “Thank you for not giving up on me. You are the reason why we have stronger days together. God led us to each other for a greater purpose. Let us both live it with faith and love.

“Yes, I will marry you!”

Walang ideya si Ara na noong January 12 magaganap ang marriage proposal ni Dave.

“I was totally clueless of what this day would bring. And your surprise made me felt more loved and cherished than I did yesterday. You are all awesome!” reaksyon niya.

Dagdag ni Ara, “I want to express my gratitude to the following, who have been part of this magical milestone. @niceprintphoto for capturing every inch of this memorable event, @gideonhermosa for turning the grounds of city hall into a beautiful and romantic place

“To Mayor Cataquiz of San Pedro, Laguna, thank you so much for all the support you have given us and for making us feel like a family.

“And to all my loved ones, thank you for all the engagement wishes and warm congratulations.

Marriage proposal ni Dave Almarinez answered prayer ayon kay Ara Mina
Dave Almarinez proposal to Ara Mina

Bumuhos naman ang mga pagbati sa kanyang Instagram account pagkatapos niyang i-announce na engaged na sila ni Dave. Kabilang sa mga nag-congratulate kay Ara ay si Megastar Sharon Cuneta na may message na, “Aaaaaaaaaahhhhh!!!! Congratulations!!! Be happy sis!!! Praise God!!!”

Bumati rin sa kanya sina Ogie Alcasid, Patricia Javier, Darren Espanto, Ogie Alcasid, Sugar Mercado, Jenny Miller, Arci Munoz, Ana Roces, at marami pang iba.

Marriage proposal ni Dave Almarinez answered prayer ayon kay Ara Mina
Ara Mina and Dave Almarinez

Pagkatapos ng proposal ay tumuloy sina Ara at Dave sa isang hotel at do’n ay lalong na-sorpresa ang aktres nang makita niya ang ilang kaibigang malalapit sa kanya. Nandu’n ang kapatid ni Ara na  si Macky Mathay na halatang emosyonal at naiyak pa habang kino-congratulate ang kapatid.

Kasama ni Macky that night ang girlfriend nitong si Sunshine Cruz. Present din sa dinner ang dalawa pang malapit kay Ara na si Barbie Imperial at Teresa Loyzaga.

 

ADVERTISING