MarNigo Fever: May something na ba kina Maris Racal at Inigo Pascual?

ADVERTISING

MarNigo Fever: May something na ba kina Maris Racal at Inigo Pascual?

MarNigo Fever: May something na ba kina Maris Racal at Inigo Pascual?
Maris Racal

FIRST TIME ko nakaharap ng personal ang pretty girl na si Maris Racal sa story conference ng bago niyang pelikula na Haunted Forest na sa titulo pa lang ay alam mo na katatakutan na.

 
During the promo ng Bloody Crayons ay dumating ang offer ng Regal Films sa kanya to portray as the cousin of Jane Oineza sa pelikula.
 
 Sa last movie ni Maris kung saan kasama din niya si Jane ay medyo loud na “kikay” ang role niya. Matinis ang boses na tili ng tili na ang boses niya ang nangingibabaw between her co-stars na mayaman sa gulat scenes.
 
Sa bagong horror movie na Haunted Forest ay kabaliktaran naman ang role niya. Kimi. Behave. Less tili na iba sa ginampanan nya as one of the “Scream Girls” ng pelikulang pambagets ng Star Cinema.
 
Kuwento ni Maris, first time niya makagawa ng project outside of ABS-CBN, kung saan nagsimula siyan sa showbiz as one of Kuya’s housemate sa Pinoy Big Brother. Ang ka-batch niya na si Daniel Matsunaga ang  naging grand winner.
 
Singit nga ng isang kasabayan ko sa interview kanina: ” Si Dandan (palayaw ni Daniel); hindi ba nanliligaw sa iyo?”
 
Ngumiti lang si Maris. Alam niya na nagpi-fishing lang ‘yong kausap niya.
 
MarNigo Fever: May something na ba kina Maris Racal at Inigo Pascual?
Inigo Pascual and Maris Racal

Pero mas interesting sa aking ang “closeness” nila ngayon ni Inigo Pascual.

 
Since siya ang naging special guest ni Inigo sa Digi-Concert na binata, tila may nabuong “something” between her atng binata ni Piolo Pascual.
 
Since nag-guest siya sa recent event ng binata bilang isang singer, ang mga fans at supporters nila ay biglang dumami.
 
 
“I’m thankful po na nagustuhan nila. I’m also thankful na kahit iba na ang kapartner ko, yong mga solid fans and supporters ko as ay all-out pa rin ang support sa akin.
 
Medyo mahiyain si Maris when we asked her kung nanliligaw si Inigo sa kanya.  Agad na sumabat ito:”Hindi po. We’re just friends,” at nag-giggle na lang si Maris.
 
 
Aminado si Maris na after niyang mag-guest sa digi-concert ng binata para sa kanilang followers, tuloy pa rin ang pagiging all-out nila sa pag-suporta sa karera ng isa’t isa.
 
Inulit ko ang tanong kay Maris kung may “something” na namumuo between her and Inigo at ngumiti lang siya ulit at sabay giggle. ‘Yun na!

Reyted K
By RK Villacorta

ADVERTISING