Marlo Mortel, tinalo sina Francis Magundayao at Jerome Ponce for Best New Movie Actor sa PMPC Star Awards for Movies

Marlo-MortelNanginginig at hindi makapaniwala habang ibinibigay ni Marlo Mortel ang kanyang thank you speech nang magwagi ng kanyang kauna-unahang tropeyo simula nang pinasok nito ang mundo ng showbiz.
Naiuwi ni Marlo Mortel ang Best New Movie Actor of the Year sa kanyang pagganap sa “Haunted Mansion” sa katatapos na 32nd PMPC Star Awards for Movies na ginanap sa Resorts World Manila, Linggo ng gabi, March 6. Habang ang kanyang co-star at ka-loveteam dito na si Janella Salvador ang nag-uwi ng Best New Movie Actress of the Year.
Tinalo ni Marlo ang ilan pang ABS-CBN Stars na sina Francis Magundayao, Jon Lucas, Pepe Herrera, Jerome Ponce, atbp.
Inialay rin ni Marlo ang kanyang pagwawagi sa yumaong nag-iisang MasterShowman at starbuilder na si Kuya Germs Moreno. Maaalalang nagsimula si Marlo sa midnight variety show ni Kuya Germs na “Walang Tulugan With the Master Showman bago ito lumipat sa Kapamilya Network.
Ito raw ang magsisilbing inspirasyon kay Marlo para paghusayan pa niya ang pag-arte sa kanyang mga susunod na pelikulang gagawin.

John’s Point
by John Fontanilla

Previous article‘Best Actress’ Bea Alonzo at ‘Best Supporting Actress’ Alessandra de Rossi, no show sa 32nd PMPC Star Awards for Movies
Next articleDennis Trillo, inialay kay Jennylyn Mercado ang ‘Best Actor’ trophy mula sa Star Awards

No posts to display