Marlo Mortel, sobrang na-miss si Janella Salvador

ADVERTISING

Marlo Mortel, sobrang na-miss si Janella Salvador

 

Marlo Mortel and Janella Salvador
Marlo Mortel and Janella Salvador

AMINADO SI Marlo Mortel na nakaramdam siya ng panghihinayang nang ang kanilang pelikulang “Mano Po 7” ay hindi pinalad na mapasali sa darating na 2016 Metro Manila Film Festival. Palabas na ngayon ang pelikulang ito na pinamahalaan ni Direk Ian Loreños at nagtatampok din kina Richard Yap, Jean Garcia, Enchong Dee, Jake Cuenca, Jessy Mendiola, Kean Cipriano, Eric Quizon, at Jana Agoncillo.  

“Of course nanghihinayang po ako, lalo na at napanood ko na ‘yung Mano Po-7 kagabi. And I was really in awe, kasi ang ganda ng movie at sobrang nakaka-proud na kasama ako sa movie!” Esplika ni Marlo.

Pahabol pa niya, “Ako po rito si Henry, ang magiging kaklase ni Carol (Janella) na nag-aaral din ng music.” 

ADVERTISING

Ang pelikula na partly shot in Taiwan ay ukol sa struggle ng isang mayamang Filipino-Chinese na ama na ginampanan ni Richard, upang mapanatiling buo ang kanyang pamilya. Bunsod nito ay napalayo ang loob sa kanya ng mga anak na sina Janella at Enchong. Na nagresulta rin para mahumaling sa ibang lalaki (Jake) ang asawa niyang si Jean. 

Ipinahayag pa ng Kapamilya actor na masaya siyang muling makatrabaho rito ang dating ka-love team na si Janella. Dito’y inamin din ni Marlo na na-miss niya nang sobra ang aktres. 

“Sobrang happy po dahil sobrang na-miss ko siya. Wala naman nagbago sa amin, its just that nabawasan ang time namin na nagkikita. I also just wanna thank Mother Lily, Ms. Roselle (Monteverde), and Regal Entertainment for still believing in us.” 

Ano ang masasabi mo sa co-stars mo dito, specially sina Richard, Jean, Enchong, at Jessy? 

“Sobrang honored ako na makatrabaho ko sila dahil napakabait at napaka-professional po nila.” 

Nang nabuwag ang love team n’yo ni Janella, naisip mo bang baka ‘di na kayo magkatambla ulit? 

“Yes, naisip ko po iyan. But I’m happy na may naniniwala pa rin sa love team naming, lalo na kay Mother Lily at Ms. Roselle.”

Sa tingin mo, posibleng magkasama pa kayo ni Janella sa TV? 

Sagot niya, “Uhm… ‘di ko po masasagot iyan. But I’m hoping! Nami-miss ko na rin po kasi talaga siyang makatambal.”

Kung kayong tatlo nina Elmo Magalona at Janella ang pagsamahin sa isang TV series, okay lang ba sa iyo iyon? 

“Yes, oo naman po. Wala naman akong problema kay Elmo, todo-support din po ako sa career nila pareho. 

“Sobrang miss ko na po talagang mag-teleserye and I’m hoping na sana, talaga soon ay magbalik-acting na ulit ako,” saad pa ni Marlo na isa ring segment host sa “Umagang Kay Ganda” sa ABS CBN.

Nonie’s Niche
by Nonie V. Nicasio

ADVERTISING