Marlo Mortel, nalungkot nang paghiwalayin sila ni Janella Salvador

ADVERTISING

Marlo Mortel, nalungkot nang paghiwalayin sila ni Janella Salvador

Marlo-Mortel“Sino naman ang hindi malulungkot, ‘di ba? Heto na sana ‘yung opportunity na dapat ay mag-step up ang love team namin. Tapos heto pa ang nangyari,” pahayag ni Marlo Mortel kaugnay sa desisyong paghiwalayin sila ng kanyang ka-love team na si Janella Salvador.
“Wala naman akong magagawa kundi tanggapin na lang and galingan ko na lang ang sarili ko. Marami ring fans ang na-heartbroken kasi marami naman kaming following (ni Janella Salvador).
“Nai-push pa sana, pero ‘di ko alam kung bakit hindi. Ganun talaga ang buhay—you never know what’s gonna happen next. Well, isa ring magandang challenge ito para sa akin na tumayo.”
Mabuti na lang daw at may regular show ito, ang “Umagang Kay Ganda” at semi-regular naman ito sa Kris TV, at meron siyang ibang pinagkakaabalahan, habang hinihintay niya ang kanyang next teleserye.

ADVERTISING

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING