Marlo Mortel, naging susi sa pagpasok sa showbiz ni McCoy de Leon

ADVERTISING

Marlo Mortel, naging susi sa pagpasok sa showbiz ni McCoy de Leon

Marlo Mortel with Janella Salvador
Marlo Mortel with Janella Salvador

Si Marlo Mortel ang dahilan kung bakit nakapasok sa showbiz si McCoy de Leon na kilalang member ng #Hashtags at isa sa mga celebrity housemate ng “Pinoy Big Brother”.

Masaya si Marlo Mortel sa pamamayagpag ng career ngayon ni McCoy.

Kuwento ni Marlo, “Ganito kasi ang istorya niyan, kapapasok ko lang sa ‘Be Careful…’ before, tapos sakto naman na first time kong mag-teatro at ang director, tatay niya (McCoy). Then hinanapan ako ng taga-‘Be Careful’ na baka may kasama raw akong nagti-theater.

“Ni-refer ko siya. Eh, wala namang masama ro’n, ‘di ba? Ang maganda lang talaga, pagka-refer ko sa kanya, kinabukasan, nag-taping na agad siya. So, walang hirap, eh. ‘Ando’n siya agad,” pagre-recall ng binata.

ADVERTISING

Ayon pa kay Marlo, naniniwala siya na destiny talaga ni McCoy ang mapunta sa showbiz tulad din ng nangyari sa kanya.

“Ako, napakarami kong pinagdaanang audition, pero ‘pag para sa ‘yo, para sa ‘yo talaga, eh,” katuwiran pa niya.

Kasama si Marlo sa pelikulang “Mano Po 7: Chinoy” kung saan muli niyang naka-partner ang dating ka-love team na si Janella Salvador.

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING