Marlo Mortel, may wish sa dating ka-love team at kaibigang si Janella Salvador

Leo Bukas

SA EXCLUSIVE interview namin kay Marlo Mortel sa physical presscon ng Suarez: The Healing Priest kung saan ginagampanan niya ang role ng isang news reporter ay nahingan namin siya ng reaksyon tungkol sa kaibigan niya at dating ka-love team na si Janella Salvador na diumano’y nanganak niya sa ibang bansa.

“I don’t wanna comment pagdating sa personal life niya. Kasi pag sinasabi kong close kami hindi ako nagdyo-joke, close talaga kami ni Janella. Kaya whatever she does with her life or whatever she wants to do I think kanya na yon, out ako don,” maingat na pahayag ni Marlo.

Marlo Mortel, may wish sa dating ka-love team at kaibigang si Janella Salvador
Marlo Mortel

Patuloy niya, “I mean, if ever ayun nga, may napapagkwentuhan kami or deep talks ganyan, I want the respect to be the center of our friendship, in our conversation. May personal life siya so I want to value that and ganun din siya sa akin.

Kung anuman daw ang estado ng buhay ngayon ni Janella ay masaya siya para dito.

“Basta happy ako para sa kanya. Basta kung ano yung desisyon niya, I know…  I know her too well na  she’s an independent woman talaga, eh, when it comes to her decisions,” lahad niya.

Bilang respeto ay hindi na rin daw niya tinanong ang aktres.

“Hindi talaga, kasi ayokong makisawsaw lalo na sa mga ganitong… alam mo yung pinag-iinitan, napag-iinitan siya ng mga tao. Gusto ko siyang bigyan ng space,” sambit pa ni Marlo.

Ano ba ang kanyang wish para sa kaibigan?

“I just wish that she is genuinely happy… yon lang. Kasi she deserves to be. Lagi ko rin namang sinasabi sa kanya na basta pag kailangan niya ako nandito lang ako,” mensahe niya sa dating ka-love team.

Marlo Mortel, may wish sa dating ka-love team at kaibigang si Janella Salvador
Marlo Mortel and Janella Salvador

“And I believe that deserve niya lahat ang mga blessings na napupunta sa kanya. And we’re not perfect, nobody is perfect, di ba ako din naman hindi ako perfect. Importante ang family and friends and I’m happy na isa ako sa mga totoong kaibigan niya and I’ll be here to support her whatever happens,” pangako niya kay Janella.

Nang tanungin kung willing ba siyang maging ninong ng anak ni Janella ani Marlo, okey lang naman daw.

“Sabi ko nga di ba, kung saan siya masaya, kung ano yung desisyon niya susuportahan ko siya. So kung gusto niya yon, susuportahan ko siya, why not?” natatawang reaksyon ng singer-actor.

Mapapanood si Marlo sa Suarez: The Healing Priest simula December 25, sa Upstream.ph. Ang pelikula na pinagbibidahan ni John Arcilla mula sa direksyon ni Joven Tan ay official entry ng Saranggola Media Productions sa 2020 MMFF.