Marlo Mortel, may solo concert ngayong August sa Zirkoh

ADVERTISING

Marlo Mortel, may solo concert ngayong August sa Zirkoh

Marlo Mortel
Marlo Mortel

Natupad na ang pangarap ng ABS-CBN prime artist na si Marlo Mortel na magkaroon ng sariling concert, dahil sa Aug. 18, 2016 ay magkakaroon ito ng solo concert na magaganap sa Zirkoh sa Tomas Morato , Quezon City entitled “Marlo Mortel Live in Zirkoh”. Isa itong benefit concert.
Maalalang isa sa naging wish ni Marlo Mortel nang mag-celebrate siya ng kaarawan ang magkaroon ng solo album at concert, dahil ang pag-awit nga ang kanyang first love.
At kahit nga kasama ito sa binuong grupo ng Star Music na “Harana Boys” na may sariling album at nagkaroon na rin ng concert, pangarap pa rin Marlo ang magkaroon ng sariling album at solo concert.
Marami nga raw ang mga kaibigan nito mula sa showbiz ang nagnanais na mag-guest sa kanyang concert bilang suporta sa first solo concert ni Marlo.

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING