Marlo Mortel, matutupad na ang pangarap na magka-album at mag-concert

ADVERTISING

Marlo Mortel, matutupad na ang pangarap na magka-album at mag-concert

Marlo Mortel
Marlo Mortel

Mukhang magkakatotoo na ngayong taon ang pangarap ng mabait at mahusay na singer/actor na si Marlo Mortel na magkaroon ng recording album at concert.
Balita kasing may isang producer ang napabilib nito sa kanyang husay sa pagkanta at nag-offer umano sa binata na magkaroon ng album at concert ngayong taon.
Ayaw pang sabihin ng aming source kung sino at ano ang kasarian ng nasabing producer. Mas maganda daw kasi na kapag plantsado na ang lahat ay saka nito sasabihin at pangangalanan ang naturang producer.
Pero if ever nga raw na matutuloy ito, paniguradong makakamit na ni Marlo Mortel ang kanyang pangarap na magkaroon ng solo album at solo concert.

ADVERTISING

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING