Marlo Mortel, malaki ang pagpapahalaga sa fans

Marlo Mortel, malaki ang pagpapahalaga sa fans

Marlo Mortel With Officers & Members Of Marlo's World
Marlo Mortel With Officers & Members Of Marlo’s World

Sa sobra-sobrang pagmamahal daw sa kanya ng kanyang mga tagahanga ay grabeng pagpapahalaga at pagmamahal daw ang nais iparating ni Marlo Mortel sa kanyang mga solid supporter.

Tsika nga ni Marlo Mortel, “Well, ako sa mga simpleng bagay, nang una, talagang totoo ‘yung ipinakikita ko sa kanila and alam nila ‘yun. Na hindi fans ang turing ko sa kanila, parang family and friends talaga, simula pa dati.

“Kapag ipinakikilala ko sila, friends ko talaga. Kasi totoo ‘yung nabuong friendship namin and relationship namin, very strong kami. Kaya up to now, patuloy pa rin kami.

“So hindi naman ako nagbabago and talagang ‘yung sarili ko, talagang ibinababa ko para lahat sila ma-inspire sa akin na pinahahalagahan talaga sila.”

Katulad na lang nga nang mag 3rd anniversary ang Marlo’s World ay nagkaroon ng gift-giving ang mga ito together with Marlo Mortel sa Graces Home for the Elderly sa Quezon City, kung saan namigay sila ng medicine, diaper, shirts, shorts, foam beds, toiletries, food party package, at iba pa.

Ang head admins ng Marlo’s World ay sina Laarni Torres, Marjo Ibasco, Zandy Suriaga, at Eve Villanueva. Bukod sa fans, pinasasalamatan din ni Marlo ang ABS-CBN sa mga project na ibinibigay sa kanya.

John’s Point
by John Fontanilla