Marlo Mortel, lalaban sa ‘We Love OPM The Celebrity Sing Offs

Marlo Mortel, lalaban sa 'We Love OPM The Celebrity Sing Offs

Marlo Mortel
Marlo Mortel

Ka-join sa “We Love OPM The Celebrity Sing Offs” ang actor/host /singer na si Marlo Mortel, kung saan makikipag tagisan ito ng galing sa pag-awit sa iba pang mahuhusay na singer sa Kapamilya Network.
Sobrang saya nga ni Marlo Mortel nang makausap namin sa PEP’S Salon, dahil bago nito pinasok ang pag-arte at pagho-host ay ang pag-awit ang kanyang ginagawa.
Tsika nga ni Marlo, “Tito John, sobrang happy talaga ako. Kasi alam mo naman na singing ang first love ko. Nagkataon lang na nabigyan ako ng break sa pag-arte sa ‘Be Careful with My Heart‘ at nagkasunud-sunod na.
“Tapos nabigyan din ako ng pagkakataong mag-segment host sa ‘Umagang Kay Ganda’. At ngayon nga, binabalikan ko ang first love ko, ang singing.
“Sana nga magtuluy-tuloy na at mabigyan ako ng solo album. Although napasama naman ako sa male group na Harana, kung saan nagkaroon kami ng album.
“Pero iba pa rin na may solo album ka. Sana magkaroon din ako ng chance na magkapag-record ng sarili kong songs at sarili kong album.
“Sana suportahan ako ng fans ko at fans namin ni Janella sa laban ko rito sa ‘We Love OPM Celebrity Sing Offs’.”
Bukod sa “We Love OPM Celebrity Sing Offs”, regular ding napanonood ang Boyfie ng Bayan na si Marlo sa “Umagang Kay Ganda”.

John’s Point
by John Fontanilla