Marlo Mortel dumaan sa matinding depression at mental breakdown

ADVERTISING
Leo Bukas

INAMIN ni Marlo Mortel sa short chat namin sa kanya via Messenger na dumaan siya sa matinding anxiety at mental breakdown nitong mga nagdaang araw.

Ito pala ang dahilan kung bakit lately ay hindi siya active mag-post ng mga ganap niya sa social media.

ADVERTISING
Marlo Mortel dumaan sa matinding depression at mental breakdown
Marlo Mortel

“Hi Tito, I don’t know if you saw my latest post. Nagdaan ako sa matinding anxiety at mental breakdowns nung mga nakaraang linggo kaya hindi ako masyadong nakaka-reply. Pero ngayon slowly recovering na po,” lahad sa amin ng aktor at Umagang Kay Ganda segment host.

Ilang araw na naming kinukulit si Marlo tungkol sa isyu ni Janella dahil very close siya sa dalaga pero wala itong sagot. Yon pala, meron na pala siyang pinagdadaanan.

Binalikan namin ang latest post ni Marlo sa kanyang social media account at nakasaad dito na ang paglaban niya sa anxiety, depression at mental breakdowns ang isa sa pinakamatinding battle niya sa buhay.

ADVERTISING

“Missed me? I MISSED me. If you saw my latest vlog, I admitted that I suffered anxiety/depression/mental breakdowns in the past weeks.

“I’m still recovering & slowly healing. It’s the hardest battle I‘ve ever fought & it’s true that you wouldn’t even notice a person who’s going through that situation,” sabi niya sa kanyang post.

Okey naman daw siya at nakakatawa pa rin pero nasa loob yung matindi niyang nararamdamang depression.

Lahad pa ng binata, “Whenever people ask me how I am, I could easily put on a smile and tell them I’m okey, but deep inside I’m dying. I thank my family & friends who stood by me. Most especially GOD who saved me. Only YOU & your words could give us Peace. Never doubt. Believe.”

ADVERTISING