Marlo Mortel, deadma sa intriga

ADVERTISING

Marlo Mortel, deadma sa intriga

Marlo Mortel
Marlo Mortel

Deadma at ayaw na lang daw patulan ng Kapamilya actor/ singer/ businessman na si Marlo Mortel ang mga taong walang magawa at iniintriga siya.
At kahit nga ang pagbibigay niya ng Ornstal sa kanyang mga kaibigang artista ay binibigyan pa ng kulay. Mas gusto na lang daw nitong pagtuunan ng pansin ang kanyang trabaho at ang kanyang lumalagong negosyo, kaysa patulan pa ang mga nang-iintriga sa kanya.
Tinatawanan na nga lang daw nito ang mga gawa-gawang istorya na ni katiting ay walang katotohanan. At kahit nga may mga taong nang-iintriga sa kanya ay masaya pa rin daw ito dahil sa dami ng blessings at magagandang trabahong dumarating sa kanya sa ngayon.

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING