Marlo Mortel, Best Male TV Personality sa Kabantugan Awards Gensan 2016

Marlo Mortel, Best Male TV Personality sa Kabantugan Awards Gensan 2016

Marlo Mortel
Marlo Mortel

Wagi ang Kapamilya Star na si Marlo Mortel For Best Male TV Personality sa Kabantugan Awards Gensan 2016.
Una nang nananalo si Marlo sa 2016 Star Awards For Movies for Best New Movie Actor of The Year para sa pelikulang “Haunted Mansion” ng Regal Films.
Labis-labis ang tuwa ni Marlo nang makarating sa kanya ang nasabing balita kaya naman nagpapasalat ito sa bumubuo ng Kabantugan Awards Gensan 2016.
Sa ngayon ay regular na napanonood bilang segment host si Marlo Mortel sa “Umagang Kay Ganda” at kasama rin siya sa “We Love OPM The Celebrity Sing Offs”.

Voyztruck
Voyztruck

Voyztruck, pambato ng Laguna sa P-Pop Boy Groups On Tour 2016

ISA SA magbibigay-saya sa malaking pagsasama-sama ng mga boy group sa bansa ngayong May 28, 4 p.m. entitled “P-Pop Boy Groups on Tour, ang grupong Voyztruck na mula pa sa probinsiya ng Laguna.
Ang Voyztruck ay binubuo nina Mario Atienza, 16 yaers old, Grade 11 sa San Pablo Colleges; Theaces Philip Hernandez, 17, 2nd year BS Psychology student ng Laguna State Polytechnic University; at Justine Caputulan, 16,  Grade 11 sa San Pablo Colleges.
Nabuo ang grupong Voyztrack noong July 2015 at naging front act na ng iba’t ibang artista at singers mula sa iba’t ibang TV networks at recording companies.
Idolo ng grupo ang One Direction at si Justin Bieber, at sa local naman ay si Daryl Ong. Bukod sa pag-awit, mahusay rin pagdating sa hatawan sa dance floor ang Voyztruck.

John’s Point
by John Fontanilla