Marlo Mortel, ayaw nang pag-usapan ang nabuwag na love team nila ni Janella Salvador

Marlo Mortel, ayaw nang pag-usapan ang nabuwag na love team nila ni Janella Salvador

Marlo Mortel
Marlo Mortel

Ayaw na raw pag usapan pa ni Marlo Mortel ang tungkol sa pagpayag ni Janella Salvador na mabuwag ang love team. Kapareha na ngayon ni Janella si Elmo Magalona, habang solo flight naman si Marlo at wala pang ka-love team sa ngayon.
Tsika nga ni Marlo, “‘Wag na lang po nating pag-usapan ang tungkol diyan. Kasi baka isipin ng iba na ginagamit ko sina Janella Salvador at Elmo para mapag-usapan.
“Happy naman ako kay Janella at nakapag-usap naman kami tungkol sa mga pangyayari. Alam naman namin at nakahanda kami na if ever dumating ‘yung time na ipareha na kami sa iba.
“Ako naman kasi, trabaho lang. As long as may trabaho ako, masaya ako. And happy rin ako for Janella kasi may bago siyang soap.
“At ako naman may ‘Umagang Kay Ganda’ at kasali rin ako sa ‘We Love OPM Celebrity Edition’. And hindi naman ako nawawalan ng TV guestings at mall shows.
“Who knows, ‘di ba? ‘Pag tagal-tagal, maisipan ng pamunuan ng ABS-CBN na pagsamahin kami ulit sa ibang proyekto,” nakangiting pahayag ni Marlo Mortel.
Palago nang palago na raw ang negosyong itinayo ng singer/ host/ actor, kaya naman haping-happy ito.
“Bukod nga po sa showbiz, maganda rin ang takbo ng negosyo ko, ‘yung Ornstal. Kaya nga katulad ng sabi ko dati na plan ko rin na magkaroon ako ng stall sa iba’t ibang mall, dahil sa ngayon online pa lang ito. Hopefully ‘pag nagpatuloy ‘yung paglakas ng negosyo ko, baka end of this year baka magkaroon na,” sabi ni Marlo.
Sa ngayon nga raw, si Marlo pa lang ang image model ng Ornstal, kung saan katatapos pa lang ng pictorial nito. Pero plano rin daw nitong kumuha pa ng ibang ambassador ng Ornstal para mas marami ang mag-endorse nito.

John’s Point
by John Fontanilla