Marlo Mortel at Janella Salvador, may sarili nang pelikula

Marlo Mortel at Janella Salvador, may sarili nang pelikula

Marlo-Mortel-Janella-SalvadorEXCITED DAW ang ABS-CBN prime artist na si Marlo Mortel sa launching movie nila ni Janella Salvador sa Regal Films, ang Retreat House. Ito ang magsisilbing kauna-unahang pelikula nina Marlo at Janella bilang magka-loveteam.
Tsika nga ni Marlo, “Ang saya, kasi may TV show, may album, at ngayon, may movie. Excited ako, kasi first big movie ko ‘to with Janella. Kami ‘yung bida.
“Until now nga hindi ko talaga lubos-maisip na magkaka-pelikula ako na bida. Simple lang kasi ang gusto ko, ang mapasama sa show at laging magkaroon ng show. ‘Yun lang, happy na ako.

“Kaya nga thankful talaga ako kay Lord dahil sa dami ng blessings na ibinibigay niya sa akin,” pagtatapos ng binata.

Kim Rodriguez, bida muli sa bagong serye

VERY THANKFUL sa pamunuan ng GMA 7 ang maganda at very talented na alaga ng kaibigan naming si Jenny Molina na si Kapuso Tween Kim Rodriguez dahil sa panibagong soap na kanyang pagbibidahan, ang My Mother’s Secret, na nagsimula nang mapanood last May 19.
Katambal ni Kim sa nasabing serye ang napapabalitang special someone nito na si Kiko Estrada, kasama pa ang ilang mahuhusay na bituin ng Kapuso Network na sina Gwen Zamora, Luis Alandy, atbp.
Ayon nga sa dalaga, napakaganda ng kanilang soap na talaga namang kapupulutan ng aral ng mga manonood.

John’s Point
by John Fontanilla