Marlo Martel, may paandar na show para sa kanyang ina

ADVERTISING

Marlo Martel, may paandar na show para sa kanyang ina

Marlo Martel, may paandar na show para sa kanyang ina
Marlo Mortel

NAKAKABILIB ang sipag at tiyaga nitong si Marlo Mortel na maaga nagigising para sa kanyang segment sa  morning show ng Kapamilya Network na Umagang Kay Ganda.

 
Sa umaga sa pagising ko, napapanood ko ang binata na nagi-interbyu kung saan-saan na tinutupad niya ang kanyang assignment na inaaatang sa kanya ng executive producer ng show.
 
I just wonder kung anong oras nagigising si Marlo na mapapaanod mo na lang siya ng live sa UKG doing his daily chores.
 
Kung minsan nasa Batangas siya. Meron din na nasa Bulacan na habang nagre-report ay nakababad sa malamig na tubig ng swimming pool sa umaga.
 
Kung mapapanood mo si Marlo sa telebisyon, hindi mo iisipin na may iniinda siyang malaking problema na dala-dala niya na mabuti na lang ay magaling siya magdala.
 
Sa mga hindi nakakaalam, ang ina ng binata ay may stage 4 cancer,  reason kung bakit doble kayod si Marlon para matugunan ang medical expenses ng kanyang mommy.
 
Bread winner si Marlo reason kung bakit kahit anong “raket” ay tinatanggap niya para sa talent fees na makukuha niya para sa mga gamot at medical services ng kanyang mama.
 
Marlo Martel, may paandar na show para sa kanyang ina
 
Para makatulong ng malaki, naglunsad ng isang fund raising concert ang binata na pinamagatang “Songs for Mama” na magaganap sa October 13 sa The Elements events place sa Centris Center, located along EDSA cor. Quezon Ave.
 
Special guests sa fund raising concert sina Janella Salvador,Kisses Delavin, May May Entrata, Jed  Madela at Michael Pangilinan.  
 
For tickets contact: 09157991815.

Reyted K
By RK Villacorta

ADVERTISING