Marlene Aguilar, takot kay Mystica?

Marlene Aguilar, takot kay Mystica?

Mystika-Marlene-AguilarISANG NAPAKALAKING ka-cheapan talaga itong patulan sina Marlene Aguilar at Mystica, ha! Pero nakaaaliw lang panoorin kung sakaling magharap sila.

Pinangunahan kasi naman nitong si Marlene Aguilar nang ni-lambast niya nang husto si Pope Francis nang dumalaw rito sa ating bansa.

Kung anu-anong pinagsasabi raw sa Facebook account niya laban sa Santo Papa kaya pinutakti naman siya ng mga netizens. Hindi ko naman nabasa ‘yung mga pinagsasabi niya, pero lumabas naman sa diyaryo na hindi naman pinatulan ng simbahan. Siyempre! Kailangan bang patulan ang babaeng ‘yan?

Pero itong si Marlene, naghamon daw ng suntukan sa mga Kristiyano ng mala-sparring ng Mixed Martial Arts.

Wala namang pumatol, pero nang nabasa ito ni Mystica, ayun pinatulan niya. Siya raw ang papatol at ang mapapanalunan daw nila, ipatatayo raw niya ng Mystica temple. ‘Di ba mga luka-luka?

Pero nu’ng nakarating daw kay Marlene ang ipinarating ni Mystica, binlock daw niya ito sa FB account niya.

Ayaw naman daw niyang patulan si Mystica. Sinubukan ng Startalk na kapanayamin si Marlene, pero tumanggi ito. Hindi raw siya interesado. Pero si Mystica nagpa-interview at kung anu-anong pinagsasabi laban kay Marlene.

Panoorin n’yo na lang sa Startalk at nakakaloka ‘yang kuwentong ‘yan.

 

ANG BONGGA-BONGGA pala nitong The Half Sisters, ha! Hindi na raw sa April matatapos kundi baka abutin na raw ng June.

Meron daw papasok na isang bonggang-bonggang aktres na tatapat kay Jean Garcia.

Matindi raw ang labanan nito, kaya dapat na abangan talaga. Kaya ma-extend nang ma-extend ito dahil sa lalong tumitindi ang kuwento at umaariba sa ratings.

Ayaw pang sabihin sa amin kung sino ito, pero kaabang-abang daw talaga!

Tingnan ‘nyo na lang!

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis