Marlene Aguilar, ‘di natinag sa mga nanggagalaiting netizens

Marlene Aguilar, ‘di natinag sa mga nanggagalaiting netizens

Marlene-AguilarHAS PRESIDENT Noynoy Aquino moved on from the past administrations that came before him? Obviously not yet.

Ang mga panunungkulan kasi ng mga Marcos at Arroyo ang kanyang binakbakan nang iwelkam ng kanyang pamahalaan si Pope Francis sa Palasyo, linking certain church leaders who condoned their sins against the government and its people.

SONA during a papal visit? Couldn’t PNoy have found a more appropriate occasion to vent his brickbats?

Pero masisikmura na namin ‘yon kesa sa mga ipino-post ni Marlene Aguilar, kapatid ni Ka Feddie. Calling herself as She Dragon, Marlene—ina ni Jason Ivler—is literally spewing irreverent fire against the Pope.

Tinawag niyang mangmang at bobo ang mga kababayan nating sumasampalataya sa Santo Papa na ayon sa kanya’y hindi naman servant of the lord kundi “kampon ng dilim” at “sugo ng demonyo”. Sa katunayan, may mga kasong kinakaharap daw ito sa Roma tulad ng child rape, child torture, genocide, among others.

Worse, naghahamon pa si Marlene, challenging the Pope and any able-bodied Filipino to a duel. Take note, let the fight take place at the Elorde Gym with matching oras pa ng bakbakan. And she’s most sure about beating her enemy to a pulp.

Dahil sa walang-takot, walang respeto at nakapangingilabot na post na ‘yon ng hitad, umani at patuloy siyang umaani ng mga batikos from the faithful. Natinag ba siya? Hindi raw. Aniya, galit lang daw ang mga netizens sa kanya dahil nagsasabi siya ng totoo.

Sorry, but there’s too much that the public knows about Marlene at ang pagkakaroon niya ng dysfunctional family. Siya pa ba ang dapat paniwalaan?

Mangilabot sana si Marlene sa mga pinagsasasabi niya, better yet, may this Christian nation pray over her, dahil mukhang sinasapian siya… bad spirits, lisanin mo ang katawan ng hitad!

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III