Mark Herras, tsinugi sa Sunday show?

ADVERTISING

Mark Herras, tsinugi sa Sunday show?

Mark-HerrasAYAW NA sanang mag-comment ni Mark Herras hinggil sa pagkawala niya sa Sunday All Stars. Pero naisip din niya na kailangan din niyang ibigay ang kanyang panig lalo pa at may lumabas na interview sa kanya kung saan na-quote siyang nagsabi nang hindi maganda about the said show na boring na ito at kung anu-ano pa.

“May sinabi ako pero… alam naman natin na minsan kapag may nasabi ka, iba ang nagiging interpretation o mas napapalaki,” aniya. “So ngayon, ako naman… tahimik na lang ako about that issue.”

Ano ba ang totoo, suspended lang ba siya o tinanggal na talaga sa Sunday All Stars?

“A… I don’t know pa po. Hindi ko pa alam.”

ADVERTISING

Pero ipinatawag nga siya ng management para sa isang meeting hinggil sa nabitawan niyang negatibong mga pahayag tungkol sa SAS?

“May pag-uusap kasi siyempre I need to explain my side. ‘Di ba? Pero… ‘yon. Kung anuman ‘yong magiging desisyon. I’m just waiting lang naman kung ano ‘yong magiging desisyon nila.

“So far, ngayon I’m just enjoying my weekend. Lalo na ngayong wala na kaming Rhodora X. “I’m free kapag Saturday and Sunday. ‘Di ba? So… ‘yon! Mas magkakaroon ako ng time with Ada.”

Si Ada ay ang anak ni Mark Herras na nakatakdang binyagan ngayong Wednesday, May 28. Sinu-sino ang mga celebrities na ninong at ninang?

“‘Yong Batch 1 ng Starstruck, kumpleto po. And then sa mga kaibigan ko naman… ninong sina Dominic Rocco, Alwyn Uytingco, Matt Evans, Carlo Aquino, Paolo Contis, Rocco Nacino, Enzo Pineda, Steven Silva, Gian Magdangal, Jay R.

“Kabilang sa mga ninang naman sina Wynwyn (Maruez), Yassi (Pressman), Tita Geleen (Eugenio), Aicelle (Santos), Maricris (Garcia), Frencheska (Farr), Charise Solomon.

“Actually, marami sila. Almost lahat ng taga-Sunday All Stars, naroon. And then si Direk Mark Reyes. Tapos si Kuya Perry Lansigan.”

Ngayong Biyernes ay magtatapos na ang primetime series ng GMA na Rhodora X kung saan bida si Jennylyn Mercado. Hindi pa raw alam ni Mark kung ano ang kasunod na project na kanyang gagawin.

“Wala pa pong naibabalita sa akin. Naghihintay lang ako ng abiso kung ano ang next. Actually ako naman kung bibigyan agad ako ng kasunod na project, siyempre kukunin ko. Pero sa ngayon habang wala pa, siyempre mas makakapa-focus muna ako sa gym.

“Kung noong may Rhodora X, nakakapag-gym ako ng MWF (Monday-Wednesday-Friday) o three times a week, ngayon makakapag-gym ako ng almost everyday. And a lot of inquiries na ang dumating sa amin about regional shows. So ‘yon… iga-grab ko munang lahat ‘yon. And then iyon na rin ang parang bakasyon na ginagawa ko.”

Kaugnay ng pagwawakas ng Rhodora X, marami raw mami-miss si Mark.

“Mami-miss ko lahat. The whole cast of Rhodora X. Especially si Jen (Jennylyn). At saka si Yas (Yasmien Kurdi) Ako… ilang taon na ba ulit ang lilipas bago kami magkasama na naman ni Jen? ‘Di ba? And then… mami-miss kong makatrabaho ulit sina Ms. Glydel (Mercado), sina Kuya Gardo (Versoza) and the whole cast.”

Balitang sa mga huling taping days ng Rhodora X ay naging kapuna-puna na sobra umanong sweet sila ni Jennylyn sa isa’t isa. May mga naghihinala tuloy na baka nagkabalikan na sila.

“Actually kami ni Jen, siguro mas naging close lang kami siguro rito sa Rhodora X,” nangiting reaksiyon ni Mark.

“And I’m so happy and thankful kay Jen dahil… alam mo ‘yon? Hindi kami nagkaroon ng problema doing our scenes together. Lalo na ‘yong mga scenes namin na kailangan naming mag-kiss. Or may lovescenes na ginagawa. Wala kaming naging problema.”

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

ADVERTISING