Mark Herras, todo ang paghahanda sa Cosmo Bash

ADVERTISING

Mark Herras, todo ang paghahanda sa Cosmo Bash

Mark-HerrasNGAYONG SEPTEMBER, kasali si Mark Herras sa male celebrities na rarampa sa Cosmo Bash. Regular na nagdyi-dym ang aktor bilang paghahanda rito.

“Hindi ko na ‘yon puwedeng atrasan!” nangiting sabi ni Mark. “So, almost everyday, Monday to Saturday ako nakakapag-gym. At masarap naman ‘yong feeling.”

Ang tagal na rin niya sa showbiz. Bakit ngayon lang siya nakapag-decide na mag-Cosmo Bash na rin?

“Kasi siguro it’s about time na gumawa naman ako ng iba. I mean may mga kaibigan ako from showbiz and even non-showbiz na sinasabi nilang parang nagawa na naman halos lahat, ‘di ba? Na bukod sa acting, nagkaroon na rin ako ng hosting show before. Tapos sa mga mall shows kumakanta ako. And ‘yong pagsasayaw nandiyan pa rin.

ADVERTISING

“So, para naman daw may makita ‘yong mga tao na iba for this year para sa akin. Parang ako naman, lahat iyon ipinasok ko sa utak ko. And I think okey naman siya. Kapag nagawa ko siya, okey naman ang kakalabasan.”

Kasunod na ba ng pagku-Cosmo Bash niya ay ang kanyang pagsalang na rin sa mga sexy at daring na roles?

“Hindi. Kapag nag-Cosmo Bash ba, magdi-daring? Hindi naman. Ako, ang sabi ko lang sa sarili ko… one time big time. Magku-Cosmo Bash ako this year. Pero ayoko namang every year, lagi akong nagpapakita ng katawan. ‘Di ba?

“Hindi rin naman ito ‘yong pinupuntahan ng career ko. Hindi naman ito ‘yong gusto kong mapuntahan. Kumbaga, iba ‘yong gusto kong makilala ako. So, siguro makagagawa rin ako ng medyo daring. If ever na may offer, ‘di ba? Pero ‘yong sakto pa rin. Hindi ko pa rin naman kaya ‘yong sobrang daring na talaga.”

Sa Cosmo Bash, gaano ka-sexy na Mark Herras ba ang rarampa?

“Naka-neck tie lang!” natawa ulit na biro ng aktor. “Uhm… nag-iisip pa ako ng gimik. Kasi parang halos lahat nagawa na rin, ‘di ba? Ilang Cosmo Bash na ang dumaan. ‘Di ba? Ang dami nang nagawa, so kailangan kong mag-isip.

“Hindi ko naman kailangan ng sobrang ibang klaseng atake. Pero siguro kakaibang ano lang, ‘yong hindi masasabi na… uy, ginawa na ‘yan ni ganito dati. E, medyo mahaba pa naman ‘yong preparation. Basta ngayon, ‘yong pagdyi-gym ko ang inaasikaso ko muna.”

Push mo ‘yan, Mark!

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

ADVERTISING