Mark Herras, nakuha rin sa tiyaga si Wynwyn Marquez

ADVERTISING

Mark Herras, nakuha rin sa tiyaga si Wynwyn Marquez

Wynwyn Marquez  and Mark Herras
Wynwyn Marquez and Mark Herras

Tatlong beses palang binasted ni Wynwyn Marquez si Mark Herras, pero hindi sumuko ang huli para ipagpatuloy ang pagmamahal na nadarama niya sa dalaga nina Joey Marquez at Alma Moreno.

“Hindi ako sumuko,” bungad ni Mark Herras sa presscon ng “Sa Piling Ni Nanay”.

“Sipag at tiyaga lang. Hahaha! Hindi, pero totoo ‘yon. Kasi one for example, nanliligaw ka sa isang tao and then binasted ka for the first time and then sumuko. Kahit ilang beses kang binasted, tapos sumuko ka, parang sinasabi mo hindi ka karapat-dapat sagutin ng tao. Naggi-give-up ka agad,” paliwanag pa ni Mark.

Ang ibinigay raw na dahilan sa kanya ni Wynwyn Marquez ay hindi pa ito handang makipag-boyfriend. Last year lang siya sinagot ng dalaga.

ADVERTISING

Sa tanong naman kung okey ba siya sa pamilya ni Wynwyn?

“Ipinakita ko naman ‘yung totoong ako. Hindi ko naman kailangan gumawa ng bagong image for her family. Siyempre ako naman nakikisama rin ako. Ayokong magpanggap na ibang tao para lang magustuhan,” pahayag ni Mark.

Nakasisiguro na raw si Mark na si Wynwyn na ang huling babaeng kanyang mamahalin sa buhay.

Sa tanong kung maayos ba naman ang pagsasamahan nina Wynwyn at anak niyang si Ada?

“Okey naman. Sabi ko naman sa inyo before, day one pa lang, ang pipiliin ko na magiging partner ko in life ay tanggap si Ada. So, walang problema si Wyn kay Ada,” say pa ni Mark.

Kailan naman nila balak ni Wyn magkaroon din ng anak?

“Kapag kasal na,” pagdiiin ni Mark. “Kasal muna. Talagang ikakasal ako,” pahayag ni Mark.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

ADVERTISING