Mark Herras, nahihirapan sa pagkawala ng ama

ADVERTISING

Mark Herras, nahihirapan sa pagkawala ng ama

Mark-HerrasNAGTUNGO KAMI kay Mark Herras sa St. Peter Chapel sa Commonwealth. Doon kasi nakaburol ang kinagisnan niyang amang si Daddy Jun. Namatay due to cardiac arrest si Daddy Jun at the age of 61.

Tulad ng ipinost sa Instagram ni Mark, wala nang gigising at mag-aasikaso ng kanyang mga pangangailangan at bibili ng mga kung ano-anong kailangan niya kahit disoras ng gabi.

Naalala pa namin noon si Daddy Jun nu’ng nakipagkilala siya sa amin sa Baang Coffee Shop sa Morato. Nakipagkuwentuhan, sabay sabing, “Suportahan mo naman ang anak kong si Mark, ha?”

Nakakatuwa, ano?

ADVERTISING

Sobrang mahal na mahal ni Daddy Jun ang kanyang adopted son. Si Mark din ay parang hindi kayang mawala ang ama sa tabi. Pero sabi nga, lahat naman tayo ay patungo rin doon, hindi nga lang natin alam kung kelan at sa anong paraan.

Importante, naipikit ni Daddy Jun ang kanyang mga mata bitbit ang katotohanang nakapagpalaki siya ng isang anak na mabait, mapagmahal at hindi siya binigyan ng sakit ng ulo.

Muli, ang aming taos-pusong pakikiramay kay Marky.

Oh My G!
by Ogie Diaz

ADVERTISING