Mark Herras, nagdadalamhati sa pagyao ng kinalakihang ama

ADVERTISING

Mark Herras, nagdadalamhati sa pagyao ng kinalakihang ama

Mark-Herras“SOMEWHERE OVER the rainbow.” Ito ang unang nai-post ni Mark Herras sa kanyang Instagram with picture kung saan nasa stroller ito at baby pa at tulak-tulak ng kinalakihang ama na si Mr. Jun Herras bago ito binawian ng buhay.

At may mensahe itong “Thank you dad for everything… Salamat sa lahat ng mga magagandang alaala na iniwan mo sa akin… Kung papaano mo ako pinalaki, inalagaan at minahal…
“27 years kitang kasama dad, hindi ko alam kung paano ako gigising sa umaga at matutulog sa gabi ngayong alam kong wala ka na… Ikaw ang bumibili sa akin ng mga gamit ko mula noon hanggang ngayon lalo na ‘pag biglaan…

“Dad mahal na mahal kita at maraming salamat po sa lahat. I love you, daddy Jun…”
Saksi kami kung gaano kamahal ni Daddy Jun si Mark dahil close kami rito. Naramdaman namin ang sobra-sobrang kabaitan nito at hindi kami itinuring na iba. Kaya naman sa pagyao ni Daddy Jun, isa na namang mabuti at mapagmahal na tao ang nawala.

Mula sa aming patnugot at sa bumubuo ng Pinoy Parazzi, nakikiramay kami sa mga naiwan ni Daddy Jun. Mula naman sa kaibuturan ng aking puso, mami-miss at mahal na mahal kita, Daddy Jun.

ADVERTISING

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING