Mark Herras, nag-two time kay Ynna Asistio

ADVERTISING

Mark Herras, nag-two time kay Ynna Asistio

Mark-Herras-Ynna-AssistioALL THE while isang trusted and loving boyfriend si Mark Herras sa girlfriend niyang si Ynna Asistio. ‘Yun pala kabaliktaran kung hindi pa niya nabuko dahil matagal inilihim nito ang ikinatatagong sikreto sa dalaga.

Dahil sa pagmamahal ni Yna sa kanya, pasa-bilis na lang at deadma ang dalaga ni Nadia Montenegro sa mga kabulastugan ng binatang ama.

Sa ilang taon nilang pinagsaluhang relasyon, engot sa lahat ng engot siguro si Ynna at wala siyang hint na ang boyfriend niya ay may ibang babae. May babaeng nabuntisan.

In short two timer ang binatang ama na kung hindi pa inamin nito sa telebsyon na siya ay isang binatang ama, hindi pa marahil malalaman ni Yna.

ADVERTISING

Kaya pala noong mga panahon na ‘yun, kapag may booking for shows si Mark na tinutulungan ni Yna, ang girl (na personal assistance ni Mark and at the same time ina ng bata) palaging tinatabla ang inquiry ng dalaga para makuha or ma-confirm ang booking para makatulong sa boyfriend financially.

Tama ba ang dinig namin na kahit kaliwa’t kanan ang mga “raket” ni Mark sa mga out of town shows at ngayon ay may bago siyang teleserye with Jennylyn Mercado ang Rhodora X sa Kapuso Network, kinakapos pa rin ang finances niya (this will be another story)?

Ang isyu kay Mark na nakabuntis (na kung hindi pa niya inamin sa publiko sa Startalk), last February 14, nalaman ni Yna ang buong katotohanan.

Sa official statement ni Ynna na ipinadala sa Star Magic (she’s being managed by ABS-CBN’s talent management company) na idinistribute naman ng kompanya sa media, she said: “I had no idea. I’m hurting but there’s nothing else I can do. I wish Mark well and I hope he take good care of his baby. Now, I am still in shock I can’t believe my family and I were the last to know. I hope Mark is happy now and at peace. ‘Di po madaling tanggapin but I don’t have any anger in my heart, it’s more of pain. With God’s grace, I know I’ll be fine. Thank you sa lahat ng nag-message. Mas magiging strong ako everytime nakikita ko messages ng mga tao. I lift everything to God. Lahat ng ito may purpose and I will take it positively.” End of Ynna’s official message.

Last Wednesday night together with her mom Nadia, nakausap namin si Ynna at naikuwento niya ang personl feelings niya on the incident. When she learned about Marlk’ situation, magdamag siya umiyak. Nakatulog siya sa kaiiyak.

Pero gusto lang linawin ni Nadia na there is no “black mailing” sa sinasabi ng kampo n Mark.

“I don’t want to talk about this. Kawawa si Mark. I will keep my mouth shut hanggang kaya ko,” at hindi na ito nag-elaborate.

We have learned a lot pero hindi muna namin ita-touch por respeto kay Nadia, Ynna at sa pagiintindi sa sitwasyon  ngayon ni Mark na tuliro at magulo ang isip.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING