Mark Herras, may webcam scandal!?

ADVERTISING

Mark Herras, may webcam scandal!?

Mark Herras, may webcam scandal!?HINDI NA KAILANGAN pang i-blind item kung sino ang diumano’y guwapong young actor na may webcam scandal.  Magmumukha lang kaming tanga, dahil kalat na kalat na sa mga networking sites.

ADVERTISING

Nalaman namin ito sa twitter. Tinatanong kami kung totoong si Mark Herras ba ‘yong nakipag-chat at ipinakita pa raw ni Mark ang “ari” nito sa webcam.

Kung ito nga at kung kumpirmado ngang si Mark ito? Ba’t niya ‘to nagawa? Sino ang kanyang ka-chat para makumbinsi siyang ipakita ang kanyang ari?

Uulitin namin, kung si Mark nga ito (na gusto pa rin naming maniwalang hindi siya ito), titili ang mga bading ng, “Nakakalokah! Daks pala siya, huh! Above average. At least, hindi naman siya dyutay!”

ADVERTISING

SA PINOYEXCHANGE.COM, BINASA namin ang lahat ng pahina ng forum na may titulong “Mark Herras, totoo ba ‘to?” at doon ay paulit-ulit na pino-post ng mga respondents ang dalawang screen shots kung saan kita ang half body ni Mark na hindi maikakailang si Mark Herras nga.

Sa ibabang bahagi naman ay naka-close-up na sa “naghuhumindig na ari” ang webcam na halatang tinatakam ni Mark-daw ang ka-chat.

Ang oras ng kanilang chatting na nasa webcam si Mark-daw ay 1:54. Siguro, madaling-araw na ito. May Korean writings sa ilang task bar sa ilalim (na siyempre, di namin kayang basahin), kaya feeling namin, ang ka-chat ni Mark-daw ay nasa internet cafe na pag-aari ng Korean.

Ayon sa isang computer expert na nakausap namin, “Mahirap i-photoshop ‘yung picture na kita ‘yung ari, dahil ‘yung background nu’ng Mark-daw sa first two photos ay ‘yun din ang background nu’ng ipinokus ang ari niya.

“Yung sa oras naman sa third photo, ito ‘yung kita ‘yung ari na, sa screen sa extreme right, 2:11 ‘yung nakarehistro.  Pareho nu’ng sa box nu’ng webcam, so hindi siya basta ipinatong lang doon.

“Lumalabas na lalakI ‘yung ka-chat nu’ng Mark-daw, dahil sa conversation nila, ang sabi ni Mark-daw sa ka-chat, ‘Di ka gumagalaw Dude!’ Na sinagot naman ng ka-chat na ‘W8 naghang lang pc,’ At ‘yung naka-webcam din na kausap ni Mark-daw ay lalaking nakahubad sa extreme right (na baka nagpakita rin ng pagkalalaki).

“May intensiyon ‘yung ka-chat na ikalat ‘yung kanilang supposedly private chatting nila ni Mark-daw, dahil initiman nu’ng guy ang name niya. At nagtagumpay siya.”

BAGO ITO AY tinawagan namin sa kanyang celfone si Mark Herras at ikinuwento sa kanya ‘yung kumalat sa twitter at pex, “Ano ‘yon? Hindi ko alam ‘yon. Ikaw lang nagsabi sa akin.

“Saan daw kuha ‘yon? Kelan daw kuha ‘yon? Matagal na?”

“Hindi ko alam, eh. Pero parang ngayong taon lang, eh.” (Nakalagay sa webcam ang petsang April 8, 2010.)

“Baka ‘yan lang ‘yung dati pa. Ewan ko. Itse-check ko din!”

“Sana nga, hindi ikaw, pero ‘yung pusod mong parang singkit, ikinumpara ko sa ibang photos mo, pareho, eh!”

“Sige, itse-check ko. Babalikan kita. Ite-text kita.”

Na hindi na nangyari.

Pero according to Gorgy Rula, nakausap nito si Mark at ang sabi lang daw nito na natatawa ay, “Hindi ako ‘yon. Ang galing naman nilang mag-imbento!”

KUNG ALAM NI Mark Herras sa kanyang sarili na siya ‘yon, pero wala siyang choice, kundi idenay ito, tama lang ang kanyang desisyon.

Imagine, kung aamin siya, eh, ‘di ang next question ay, “Ba’t mo nagawa ‘yon?” at hindi lang ‘yon, meron pang isa: “Ba’t hindi babae ang ka-chat mo? Ba’t lalaki?”

Sa pinoyexchange.com nga ay ipinapalagay ng ibang respondents doon sa forum na “silahis” o “bisexual” si Mark. Pati ang kanyang mga friends sa Facebook, ang comment ng isa, questionable ang gender.

NOVEMBER 13, 2007 nang Ininterbyu ni John Lapus sa Showbiz Central sa segment nitong “Don’t Tell A Lie” si Mark kung saan ipinaskel pa sa pex ang bahagi ng interbyu ni John dito.

JOHN: Mark, isa kang certified techie. Oo, madalas ko ‘tong nakikita sa mga internet cafes. Mahusay itong mag-computer. At ayon sa makakating dila, kadalasan ka raw inuumaga sa pagtsa-chat.

Ang gusto kong malaman ngayon, Mark Herras, ay totoo ba na mahilig ka raw magpakita ng katawan sa ka-chat mo sa webcam. Naghuhubad ka pa raw ng t-shirt. Aba’y topless ito. Mark Herras, don’t lie to me, yes or no?

MARK:  No.

JOHN: O, Mark, papano ‘yan? Lie ang lumabas. Baka naman nainitan ka minsan at hinubad mo?

MARK: Hindi. Unang-una kasi, ba’t naman ako maghuhubad sa harap ng webcam kung ganito kaliit ang katawan ko?

JOHN: Sa bahay, wala kang webcam, wala kang computer, ha?

MARK: I have a computer, pero hindi ako gumagamit ng webcam at nagtsa-chat. Alam ng mga tao kung sino ang gumagamit niyan. Ako, addict ako sa mga games.

Isinulat namin ito, hindi dahil gusto naming ilagay sa kahihiyan si Mark Herras. Kung hindi talaga siya ito, sana nga at ma-karma sana ang gumagawa nito.

Isa rin itong babala sa mga artistang pinagpaguran ang kanilang pangalan, pero kung minsan, pag “nasa totoong buhay na” ay nakakalimutan nilang maaaring magamit ang kanilang pangalan, dangal, katawan sa hindi magandang paraan.

Sa araw-araw na pagbabago ng teknolohiya ngayon, lalo tayong mag-iingat, dahil sa isang iglap lang, maaari itong mawala, dahil lang sa ating “kapabayaan” o ang pagbibigay ng pahintulot sa ibang tao na tayo ay bastusin at hiyain.

Magbabalik po ang E-Live!…

Charring!!!

Oh My G!
by Ogie Diaz

Panoorin ang latest episode ng Pinoy Parazzi Live! Mark Herras Episode, kung saan napag-usapan ang webcam scandal niya. No holds barred, kita lahat! Manood na!

ADVERTISING