Mark Herras, magseseryoso na raw sa next GF

ADVERTISING

Mark Herras, magseseryoso na raw sa next GF

Mark-HerrasNAKU, HA! Ang daming nagkomento sa akin na parang inaaway ko raw si Mark Herras du’n sa bagong segment kong Lolit So-List sa Startalk.

ADVERTISING

Sa totoo lang, naasiwa na ako sa segment na ‘yun, ha?! Akala yata ng viewers, nang-aaway ako sa mga guest ko. Kaya tingin ko riyan, mahihirapan sila sa paghanap ng guest sa segment ko na ‘yan.

Natuwa naman ako kay Mark nu’ng Sabado kasi parang lalong gumuwapo siya. May pinaghahandaan daw siya ngayon dahil gusto niyang sumali sa Cosmopolitan Bachelor Bash, kaya pinaghandaan na niya ang katawan niya.

Dala nga niya ang baby niyang si Ada nu’ng nag-guest sa Startalk, at nakikita talaga naming mahal na mahal ni Mark ang baby niya. Diyan niya binubuhos ang time niya ngayon. Kaya feeling ko matagal pa bago magka-girlfriend ‘yan.

ADVERTISING

Sabi ng Kapuso actor, mas gusto raw niyang maging seryoso na sa susunod niyang girlfriend. Hindi raw niya alam kung sino ‘yun, pero hindi naman daw siya naghahanap. Hihintayin na lang daw niyang darating ‘yun.

Alam ko, babalik na si Mark sa Sunday All Stars pagkatapos niyang masuspinde ng ilang linggo.

At least makapanonood na tayo ng magaling talagang sumayaw sa SAS ‘no!

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING