Mark Herras kinalasan ng talent manager na Lolit Solis dahil sa pangungutang ng P30K

Leo Bukas

KUMALAS NA bilang talent mananger ang veteran writer at dating TV host na si Lolit Solis sa actor-dancer na si Mark Herras. Inihayag niya ito nitong August 20, 2021.

“Gusto ko ipaalam sa lahat na starting today wala na akong kinalaman kay Mark Herras,” ani Manay Lolit.

Mark Herras kinalasan ng talent manager na Lolit Solis dahil sa pangungutang ng P30K
Mark Herras and Lolit Solis

Ginawa raw niya ang pagbibitiw bilang manager ni Mark para hindi na mabawasan ng komisyon ang kinikita nito.

“At para na rin iyon nakukuha ko na komisyon mula sa kanya hindi na mabawas sa konti niyang kinikita. Nakakaawa naman na ang laki ng cash advance na binabayaran niya, tapos meron pa akong parte sa TF niya,” rason ng talent manager.

“Iyon feeling ko kay Mark Herras na parang anak ko siya, hindi mawawala. Iyon pangaral ko sa kanya, hanggang ngayon iyon parin ang gusto ko sabihin sa kanya. Ayaw ko na lang maging bahagi pa ng buhay niya ngayon,” dagdag pa niya.

Hangad naman ng dating manager ni Mark na maging ligtas at masaya ang aktor sa buhay nito ngayon.

“Goodluck, wish you well Mark Herras. You’re on your own now, be happy and safe,” sabi pa ni Manay Lolit.

Matatandaang nag-ugat ang pagkalas ni Manay Lolit kay Mark dahil nangutang ang aktor ng halagag P30K sa talent manager. Ang rason ni Mark kung bakit siya nangungutang ay dahil ipambibili niya raw ito ng gatas ng anak nila ng girlfriend na si Nicole Donesa.

“Sabi ko talaga, P30 thousand lang, wala ka? Eh, buti pa pala yung PA ko], may P50,000. Naku, talagang inalipusta ko siya!” kuwento ni Manay Lolit.

Iginiit din nito na sana ay iningatang mabuti ni Mark ang perang kinikita nito noon para hindi dumating sa point na magigipit siya nang todo.

Mark Herras kinalasan ng talent manager na Lolit Solis dahil sa pangungutang ng P30K
Mark Herras

“Aba, gabi-gabi kung saan-saang bar sila gumigimik ng buong pamilya ng girlfriend niya. What I mean is, he has yet to work for the loaned money, why spend every single centavo of it, wala nang natira sa iyo?

“Gusto pala niyang maging big star, puwes, work hard for it. Kaso, wala siyang focus sa career niya, and that’s what I’m angry about! Ayun, nagkandabaun-baon siya sa utang,” pagsisiwalat pa ng talent manager.

Sa kabila ng mga talak nito kay Mark ay pinautang pa rin daw niya ito ng kailangang pera.

“Ang ending, um-oo na ‘ko. But for sure, with all these revelations nagsisisi siya kung bakit ako pa ang tinawagan at inutangan niya. And for sure, naghahanap siya ngayon ng mauutangan niya para mabayaran na niya‚ ko! Ha, ha, ha!” huling pahayag niya.