Mark Herras at Jennylyn Mercado, sila pa rin sa bandang huli?

ADVERTISING

Mark Herras at Jennylyn Mercado, sila pa rin sa bandang huli?

Jennylyn-Mercado-Patrick-GarciaNALUNGKOT NAMAN ako sa alaga kong si Mark Herras dahil sumakabilang-buhay na ang Daddy Jun niya.

Itong si Daddy Jun ang adoptive father ni Mark na siyang nag-alaga sa kanya nang husto. Sa kanya lumaki si Mark, dahil nakakulong naman ang tunay niyang ama, ‘di ba?

Matagal na kasing may sakit si Daddy Jun at matagal din siyang na-hospital. Pagkalabas niya, nasa bahay na lang ito at medyo mahina na. Kaya inaalagaan na lang ito nina Mark at ng kapatid niya.

Nu’ng nakaraang Lunes, bigla na lang siyang inatake na naging sanhi ng pagkamatay niya.

ADVERTISING

Iyak nang iyak si Mark sa maagang pagkamatay ng Daddy Jun niya at sobra niya itong dinamdam.

Sobrang mahal na mahal kasi si Mark ng Daddy Jun niya at ‘yun talaga ang nagpakahirap na palakihin ang young actor. Kaya hirap din si Mark na tanggapin na mawala nang ganu’n kaaga ang Daddy niya.

Nu’ng dumalaw nga ako sa burol nito nu’ng kamakalawa lang, naiiyak pa rin si Mark. Sabi nga niya, hindi raw niya alam kung paano tatakbo ang buhay niya na wala na ang Daddy Jun niya.

Mabuti at marami namang nagmamahal sa kanya, at dapat na bantayan siya nang mabuti at baka magloko na naman ‘yan.

In fairness, ang unang tumakbo sa hospital nu’ng sinugod nila si Daddy Jun, si Jennylyn Mercado na kaagad tinawagan ni Mark nang inatake ang Daddy niya.

Kuwento nga ni Jennylyn, iyak nang iyak daw si Mark nang nadatnan niya roon ang ka-loveteam niya.

Ang isa pang nauna ring tumakbo kay Mark nang nangyari ito kay Daddy Jun ay si Mommy Lydia ni Jennylyn. Naging close sila noon dahil sa Starstruck.

Kaya halos araw-araw pinupuntahan ni Jennylyn si Mark at dinadalhan niya ito ng pagkain minsan.

Hindi kaya ang ending niyan, magkabalikan ang dalawa? Si Jennylyn pa naman ang type ni Daddy Jun para kay Mark. Kahit si Mommy Lydia ni Jennylyn, ay si Mark pa rin ang gusto niya.

Naku! Feeling ko sila talaga ang magkatuluyan. Palagay ko mas magiging okay ang relasyon nila dahil matured na sila, at pareho naman silang may anak na.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING