Mark Herras, idedemanda ng nabuntis?! – Tita Swarding

ADVERTISING

Mark Herras, idedemanda ng nabuntis?! - Tita Swarding

OLA CHIKKA! MARAMI na ang nag-aabang sa pagbalik ng Pambansang Kamao ngayong Biyernes. Tila kaliwa’t kanan ang mga appointment ni Manny Pacquiao, at may bonggang hero’s parade pa, interview roon at interview rito.

ADVERTISING

Pero ang nakakaloka ay bawal sa mga reporter ang magtanong about sa kanyang pamilya at sa mga isyung ipinupukol sa kanya. Hmmm… ‘yan ang nakarating sa akin galing sa balwarte ng Pambansang Kamao.

Ang puwede raw na itanong ay tungkol lang sa pagkapanalo niya, pero pagdating sa isyu sa kanila ni Jinkee at sa babaeng iniuugnay kay Manny na si Krista Ranillo ay hindi puwede. Habang malayo pa nga lang daw, ipinapaalam na ito sa mga reporter para hindi na magtanong o magtangkang magtanong. Hmmm… kaya ngayon pa nga lang daw, pinagsasabihan
na raw ni Manny ang nanay nitong si Mommy Dionesia na huwag nang magsalita ng kung anuman daw ang nalalaman nito.

May bonggang factor pa nga raw na pinahahanap na raw ni Manny kung saan nagsimula ang isyu sa kanila ni Krista, huh!

ADVERTISING

Kaya quiet si Manny pagdating sa isyu sa kanila ni Jinkee. Pero ewan ko lang kung mapigilan ni Mommy Dionesia na magsalita about sa isyu ng anak nito. Hmmm…

Alam na raw pala ng ina nito na may hindi magandang pagkakaunawaan ang mag-asawa, bago pa lang ang laban ni Manny kay Cotto. Kaya sinasabi ng ina nito kay Jinkee na ‘wag intindihin ang mga babaeng iniuugnay sa anak. Ang importante raw ay si Jinkee ang reyna, huh! Nakakaloka, ha?!

ALAM KAYA NI Mark Herras na may kaso siyang haharapin?!

Buong tapang na umiiyak ang babaeng nadyug ng Prince of Dancefloor na si Mark, at inamin ng batang babae na miyembro ng bagong grupo na Nitro Girls, na may nangyari sa kanila ni Mark.

Kuwento ng babaeng nagngangalang Crissa na maghahabla raw kay Mark, nagkakakilala sila sa isang gimikan sa Timog, na hindi na niya binanggit ang pangalan ng establisimyento, at hindi lang daw roon nangyari.

Naging sila raw ng guwapong aktor hanggang sa nauwi sa dyug-dyugan. Kaya ‘wag raw itong i-deny ni Mark dahil may nakakita pa nga raw sa mga ito at may ebidensiya rin daw ang hitad. Hindi lang daw isang beses kundi maraming beses pa raw na may nangyari sa kanila.

Sinasabi lang daw niya ang totoo at nagkausap na nga raw sila ng aktor at sinabi niyang buntis siya. Ngunit nagalit daw si Mark at hindi niya pananagutan. Naloka ako roon, huh!

Suportado ang babaeng ito ng kanyang ka-grupo sa Nitro Girls na sina Karen, Janna, Joy at Erica na galing pa sa iba’t ibang larangan bago nabuo ang grupo, na bonggang-bongga naman pagdating sa sayawan at kantahan. Suportado nila ang laban ni Crissa na ka-miyembro nag nila, at nakahanda raw silang umalalay kung ano ang mangyayari sa lang ito. ‘Yun na!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

ADVERTISING