Mark Herras dumami ang indecent proposal dahil sa inutang na P30K sa dating manager

Leo Bukas

MAY REAKSYON na si Mark Herras sa ibinulgar ng dati niyang talent manager na si Lolit na inutangan siya nito noon ng halagang P30,000. Ayon kay Manay Lolit, nanghiram si Mark ng pera sa kanya  para ipambili ng gatas ng kanyang anak na si Baby Corky at iba pang mga pangangailangan.

Si Baby Corky, seven month-old, ang panganay niyang anak sa live-in partner na si Nicole Donesa.

Mark Herras dumami ang indecent proposal dahil sa inutang na P30K sa dating manager
Mark Herras

Matagal ding nanahimik si Mark sa isyu pero sa kanyang bagong Youtube vlog  ay nagbigay na siya ng ilang detalye tungkol sa nangyari.

Sa naturang  vlog ay sumabak si Mark sa “Sagot o Lagot” challenge kasama ang kaibigang si Eric Fructuoso kung saan pipili sila kung sasagutin ang tanong o iinom ng suka bilang consequence.

Isa sa mga naitanong sa dancer/actor ay kung magkano ang laman ng kanyang bank account.

“Mga P30K siguro.  Inom na lang ako (ng suka) para walang issue,” pabiro at natatawa niyang reaksyon.

“Ako siyempre, this is a private thing. Pero ako, yung anak ko, alam ko may pera sa bangko,” ang medyo naging seryoso na niyang reaksyon.

Inamin din ni Mark na kasagsagan ng P30K issue ay marami ang nag-offer sa kanya ng tulong. Kabilang na raw dito ang ibang indecent proposal.

“Hindi naman to the point na indecent, ah. Medyo disente pa naman. Pero I think it’s going there,” kuwento niya.

Patuloy ni Mark, “Before, may nag-i-invite for a date nga lang, eh, pero LGBT (bading),  so, mga ganu’n. Tapos siyempre, nu’ng nangyari yung recent issue, ang daming nag-DM (direct message) sa akin na mga LGBT, ‘Hi, Mark. Hi, I can help.’

“I’m not judging them, pero basically, maganda naman yung thought. I think medyo in-assume ko lang na papunta du’n.

“Pero, so far, wala pa naman akong natanggap na rekta, na talagang, ‘Mark, bigyan kitang pera…’ Wala, wala pa namang ganu’n,” sabi pa niya.