Mark Herras, ‘di raw big deal kung support lang ang role

ADVERTISING

Mark Herras, ‘di raw big deal kung support lang ang role

Mark-HerrasPARA KAY Mark Herras hindi isyu kung hindi siya ang naging leading man ni Kris Bernal sa Little Nanay. Kuya siya ni Kris sa naturang teleserye at si Hiro Peralta ang nabigyan ng break na maging leading man ng young actress.

Ayon kay Mark, siya naman daw ngayon ang magbibigay ng suporta sa kapwa Kapuso artist.

“Sa 12 years ko nang nasa showbiz, wala na siguro akong mahihiling pa sa career. I mean, ilang beses na tayong nagbida sa mga teleserye. Ilang mga leading ladies na rin ang nakatrabaho ko. Kumbaga, hindi naman tayo maramot. Kung mag-support man ako sa mga kasamahan natin sa GMA 7, walang problema. Like si Kris, nakatambal ko na siya nang dalawang beses. Sa Time Of My Life (2011) at Hiram na Puso (2012). Kaya okey lang sa akin na suportahan ko naman siya ngayon dito sa Little Nanay bilang kuya naman niya.

“Itong Little Nanay, si Kris talaga ito at ang husay-husay niya. Saka si Hiro (Peralta) naman, panahon na siguro na mabigyan siya ng break bilang leading man. Hindi naman sa lahat ng pagkakataon ay tayo ang bida, ‘di ba?”

ADVERTISING

Samantalang si Mark ang leading man ni Janine Gutierrez sa pang-umaga teleserye na Dangwa.

“Very thankful lang ako talaga at nandito pa rin tayo na pinagkakatiwalaan pa rin sa mga iba’t ibang roles,” pagtatapos ni Mark.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

ADVERTISING