Mark Herras, basted kay Wynwin Marquez?

Mark-HerrasNANG MAKAUSAP namin si Mark Herras sa grand presscon ng Startruck ng GMA-7, sinabi ng actor na happy siya para kay Alden Richards. Nakilala at sumikat kahit hindi ito naging produkto ng isang reality contest sa telebisyon. Nang dahil sa break na ibinigay sa kanya ng Kapuso network, naging artista ang binata.

Lalong sumikat si Alden nang maging ka-loveteam niya si Yaya Dub sa kalyeserye ng Eat… Bulaga! Nag-click sa manonood ang tandem ng dalawa at talaga namang sinubaybayan ito ng madlang pipol. Everyday, nakatutok ang publiko sa telebisyon para malaman kung ano ang kaganapan sa AlDub. Super hot ngayon sina Alden at Yaya Dub, pinag-uusapan sa bawat umpukan, social media maging sa showbiz circle. Anong magic mayroon ang Aldub? Malaking question mark? Ang viewing public ang makasasagot n’yan.

Hind lahat ng naging winner sa artista search ay pinapalad magkaroon ng career sa showbiz. ‘Yung ibang nanalo, pinalad na sumikat. Mayroon din namang hindi dumaan sa isang reality contest, pero nagkapangalan at kinilala ang galing as an actor.

Kinamusta namin kay Mark ang kaibigan niyang si Aljur Abrenica. “Nagtatawagan kami ni Aljur, once in awhile, nagkakausap kami. Ang bungad nga sa akin ni Aljur, mentor. Sabi ko sa kanya, kumusta ka na? Sagot ni Aljur, ‘eto okay naman. Personally, hindi ko na tinatanong kung bakit ganu’n? Anong nangyari? Kahit naman ako ay dumaan sa time na may mga mali akong naging desisyon. Marami akong nagawang negativity sa buhay, bad decision sa buhay. Kung gusto mong ibalik sa diretsong linya and I’m sure kayang-kayang gawin ni Aljur ‘yan. ‘Yun ang ginagawa niya ngayon. Slowly but surely. ‘Yung commitment niya sa trabaho, sobrang iba.”

If ever na magkausap sina Mark at Aljur, anong advice ang puwede niyang ibigay sa kaibigan? “Well, ang lagi ko namang ibinibigay na advice sa kanya, ang pinakamagandang choice na gagawin mo sa buhay mo ‘yung sarili mong desisyon. Hindi desisyon ng tatay mo, hindi desisyon  ng ibang tao. Hindi desisyon ng manager mo. Sarili mong pag-iisip na ito ang gusto kong gawin sa career ko. Sa tingin mo ba, kapag sinabi mo ‘yun, magiging okay ang kalalabasan? Kaya nga may tattoo ako, “Life is my choice not by chance.” Hindi mo naman puwedeng isisi sa ibang tao ‘yung mga naging problema mo sa mga nangyari sa buhay mo. Choice mo ‘yun, it’s your own choice. Desisyon mo ‘yun kung papano mo ibabalik sa normal ang buhay mo, ‘yung iaangat uli. Na-experience mong nawala for a while, tama ‘yung choice ko na naging desisyon kong ibalik sa tamang career ko. I’m very happy dahil nandito pa rin ako inspite ng nangyari sa buhay ko.”

Napabalita na may something na sa relationship nina Mark at Winwyn Marquez. Nilinaw ng actor ang bagay na ito at ikinuwento niya kung paano sila nagkakilala ng dalaga. Nagsimulang maging friends ang dalawa through Viper. Naging grupo nila sina Kris Bernal at Roco Nacino. Hanggang naging solid ang friendship nila. Nagkaroon ng chance si Mark na makilala niya nang husto ang dalagang anak nina Joey Marquez at Alma Moreno.

“Hanggang nagkaroon na nga ng issue na nanliligaw ako. Sinagot agad namin, sinagot ni Wyn dahil visible si Wyn that time. “Single pa rin ako, hindi pa siya ready. She’s still busy lalo na ngayong tatakbo si Tita Alma (Moreno), tumutulong siya sa mommy niya,” pahayag ni Mark.

“Ang maganda sa amin ni Wyn, we’re friends, napag-usapan agad namin ‘yung dapat pag-usapan. She’s not ready to any relationship right now. Nagpaalam ako… papunta na ro’n. Sobrang busy naman ako sa anak ko. Kung sakali in the end, hindi na siya busy… ako naman ay hindi nagmamadali,” sabi pa ng actor.

Inamin ni Mark na na-develop into something beautiful ang kanilang friendship. “Madi-develop ka sa isang tao because you like that person. Dumating tayo sa point na ‘yun. Sabi nga niya, she’s not yet ready for a relationship. Hindi ko pinilit, hindi ko siya kailangang guluhin kasi alam ko ‘yung mga priority niya sa buhay. Right now, sobrang focus ako ngayon sa anak ko. Nalalaman ko na ngayon ‘yung bagong salita na lumalabas sa bibig niya. One hundred percent na ugali ng anak ko, ugali ko, alam ninyo na.”

Masaya si Mark na very much happy ang ex-girlfriend niya si Jennylyn Mercado sa piling ni Dennis Trillo. “Eversince naman, I’m so happy for Jennylyn everytime na may bago siyang relationship. Si Jenny naman is a friend since day 1. Okay na kami, naging matibay ‘yung pagkakaibigan namin. I’m so happy sa lahat ng nangyayari kay Jennylyn. Everytime na may nangyayari sa batch namin, alam namin ‘yan.”

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

Previous articleVice Ganda, kinabog ang female celebrities sa magazine cover
Next articleRuffa Gutierrez, hindi priority ang relasyon sa dyowang foreigner

No posts to display