Mark Herras, astang daddy ng anak ni Jennylyn Mercado – Ruben Marasigan

ADVERTISING

Mark Herras, astang daddy ng anak ni Jennylyn Mercado - Ruben Marasigan

Mark Herras, astang daddy ng anak ni Jennylyn Mercado - Ruben MarasiganKUMBINSIDO NA KAMI na hindi press release lang ang magandang samahan ngayon ng dating magkarelasyon na sina Jennylyn Mercado at Mark Herras.

ADVERTISING

Noong una kasi, dahil nagbabalik-tambalan ang dalawa, inakala naming put-on lang ito para pakiligin ang fans nila.

Not until we saw them sa dressing room ng Eat Bulaga kamakailan nang sabay silang mag-guest.  Kasama ni Jennylyn that time ang kanyang anak kay Patrick Garcia.  At nakita naming kung gaano ka-close ang dalawa.  Iisipin mo talaga na sila ulit.

Close rin si Mark sa anak ni Jennylyn na buong giliw pa niyang kinakarga-karga as if siya ang daddy ng bata, huh!  At wala namang masama kung umakto siyang parang daddy kasi inaanak naman niya ito.

ADVERTISING

Nang mag-guest si Jen sa Showbiz Central last Sunday, mismong si Mark ang nagtatanong through VTR na kung sakaling manligaw ulit ito sa kanya, may posibilidad ba na sagutin ulit niya ang binata. Wang kagatul-gatol na oo agad ang naisagot ni Jen.

NALOLOKA SI KRIS Bernal kung bakit may lumabas na balitang nakita raw siyang nakikipaghalikan kay Carlo Aquino  sa isang sikat na coffee chain sa Commonwealth Avenue sa Quezon City.  OA naman daw ang isyung iyon, reaksiyon ng young actress.

Pero aminado naman ang dalaga na nag-coffee nga raw sila one time nitong si Carlo.  Pero matagal na raw iyon.

Eh, si Carlo, sa gawing Don Antonio Heights (sa Filinvest)  malapit sa Commonwealth Avenue nakatira.  Hindi nga kaya ‘yong inamin ni Kris na minsan silang nagpunta sa branch ng kilala coffee chain, baka iyon din nga ang sinasabing they were seen kissing each other.

Pero matigas ang pagkakatanggi nitong si Kris.  Friends lang daw sila ni Carlo kaya paano raw mangyayaring maghahalikan sila.

SABI NI KC Concepcion,  pinilit niyang ma-Filipinize ang character ni Vivian sa Pinoy version ng Lovers In Paris.  Pero ang dating sa amin ay parang siya as a person ang na-Filipinize.

Having been born by her famous Megastar Sharon Cuneta and   Gabby Concepcion, lumaki at nagdalaga siyang sanay sa komportableng buhay and sheltered from everything, at talagang sa Paris pa nga nag-aral at nagtapos ng college.

Lumalabas siya ng bahay na kundi hindi mga chaperone at yaya ang kasama, eh, mga bodyguards.  May mga pagkakataon nga umano na kakuntsaba pa niya ang kanyang lolang si Mrs. Elaine Cuneta para lang sa mga simpleng bagay na gusto niyang maranasan.

Sa taping ni KC ng LIP ay ikinatutuwa ng dalaga na maranasang mapunta sa depressed areas na bahagi ng mga tagpong kasama ang dalaga since mahirap lang ang papel niya sa seryeng pinagtatambalan nila ni Piolo.  It was through this na nasilip niya at napasok ang mundo ng mga naghihikahos sa buhay.  From which she has learned a lot daw at nakapagpalawak pa ng pananaw niya sa buhay.

Good for KC dahil mas lalo siyang naging mabait at magiliw sa pakikisalamuha sa iba’t ibang klase ng taong kanyang nakakaharap.  Mas naging down-to-earth siya na hindi mo aakalaing produkto ng isang mayaman at prominenteng pamilya.

Kaya for us, siya ang na-Filipinize.  Mas naging masang-masa at simple ang personalidad niya ngayon.

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

ADVERTISING