Mark Herras, already a has-been?

ADVERTISING

Mark Herras, already a has-been?

Mark Herras, already a has-been?MARAHIL AY NAGSITIKLOP na ngayon ang detractors ng GMA Artist Center artist na si Mark Herras at hanggang ngayon ay patuloy na nagsasabing laos na ang aktor dahil walang proyekto. Ang katotohanan, sunud-sunod ang dating ng proyekto ni Mark after niyang mag-request ng ilang buwang pahinga.

ADVERTISING

Regular pa rin na napapanood at may segment pa si Mark sa Party Pilipinas. On-going na rin ang search sa mga new artist na marunong sumayaw at umarte na isasama sa kanyang pagbibidahang danserye sa GMA-7. Bukod pa sa maraming guestings at shows sa labas ng istasyon ng tinaguriang ‘Bad Boy of the Dancefloor’.

Tsika nga ng isa sa malapit sa aktor, alam naman nila kung kaninong kampo galing ang paninira kay Mark. May mga tao raw kasing may nakakabit na inggit sa kanilang katawan at ‘yun ang mga naninira kay Mark.

“Alam naman namin kung sinong may pautot na laos na si Mark. Alam kong alam niya na sila ‘yung pinatatamaan ko, kaya sorry sila, dahil bongga ang career ni Mark ngayon. Mas lalo pa ngang bubula ang mga bibig ng mga ‘yan sa inggit ‘pag lumabas na ‘yung 1 new show ni Mark sa GMA-7.

ADVERTISING

“May mga tao talagang ayaw umasenso ang kapwa nila. Imbes na tulungan, sila pa ‘yung gumagawa ng paraan para bumagsak ‘yung ibang tao. Ang inggit nga naman, pero naniniwala ako sa karma, kaya maghintay-hintay na lang sila ng karma nila!” pagtatapos ng aming kausap.

BLIND ITEM: SINO itong dalawang young actor ang tumatanggi na sa P100 thousand kapalit ng isang gabing pakikipagtalik? May isang rich gay raw kasi na balikbayan ang type na makasiping ang dalawa sa nasabing halaga. Pero sad to say, medyo nag-iinarte ang mga ito at hindi trip na magpa-booking.

Kaya naman tumbling daw ang booker ng dalawa. Dati raw kasi nung mga panahong walang trabaho ang mga ito at ni singkong duling ay wala, okey na sa kakaunting halaga. Pero ngayong visible ang mga ito at maraming proyekto, ayaw nang kumagat sa P100 thou.

“Jusko ‘day!” ang sigaw ng aming kausap, “umarte-arte bah?!”

Kunsabagay, hawak naman daw ng isang rich at galanteng attorney ang isa sa young actor, samantalang ang isa ay mukhang tumigil pansamantala sa pagpatol sa mayayamang bakla. Pero  tsika   ng   aming

source, na anupaman ang mangyari kapag wala na namang proyekto ang mga ito, especially ‘yung isang young actor, papayag na naman ang mga ito sa barya-barya. ‘Yun na!

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING